Tula ni Francis Morilao
Minsan sa iyong paghahalungkat,
Nabuksan mo ang iyong jewelry box;
Mayroon kang nakitang hindi inaasahan,
Isang bracelet na kumikinang.
Naitanong mo kung sa iyo nga ba ito,
At naalala mong ito'y bigay ko sa iyo;
Luha mo ay biglang pumatak,
Pahirin mo man patungo sa pag-iyak.
Tanong sa sarili bakit pa naghalungkat?
Ala-ala ng lumipas ay muling sumiwalat;
Salamat at patuloy mong tinatago,
Ang ala-alang hindi magbabago.
Pilit mo mang ako'y kalimutan,
Bracelet na ito'y dalhin sa sanglaan;
Marka nito sa puso mo ay pangmatagalan,
Maski sa panaginip ika'y susundan.
Tanging ala-ala ko sa iyo,
Na may kasamang pangako;
Mula nuong tayo'y magkalayo,
Puso ko'y 'di na tumibok pagkat nakatali na sa iyo.
At kung sakaling ito'y iyong sunugin,
O itapon sa malalim na bangin;
Sa iyong pagtulog ika'y gigisingin,
Na hindi mo ako kayang limutin.
Kung plano mong sa akin ito'y ibalik,
Katumbas nito'y isang paalam na halik;
At kapag labi natin ay muling nagdikit,
Baka ako nama'y akapin mo ng mahigpit.
Ano nga ba ang dapat mong gawin?
Kahit na ito'y pag-pirapirasuhin;
O kaya nama'y sa apoy ay tunawin,
Dahil ang puso mo ay minsan kong naangkin.
Hindi ko pinagsisihan na ika'y mahalin,
'Pagkat noon, ako'y minahal mo rin;
Pagibig sa puso mo na aking naitanim,
Sa mga tula ko'y patuloy kong didiligin.