Manika - Jamila

Chapter 5 - 7th BIRTHDAY

Birthday mo na naman, kagabi pa lang ay busying busy ang mama't yaya mo sa mga lutong hinanda nila para sa birthday mo. Hindi ko naman naaamoy pero mukhang masarap ang niluto ng mama mo dahil masaya ang itsura niya.

Pagkasundo sa iyo ng tatay mo sa school ay kinuha mo agad ako at kinarga, kahit na hindi ka pa nagpapalit ng uniform ay ako agad ang nilapitan mo, ramdam ko kung gaano ako kahalaga sa'yo.


Hapon na at padami nang padami ang bisita mo, excited ka sa mga games at gifts na bigay s'yo, feeling ko birthday ko na rin kasi hindi mo man lang ako binitawan, kasama mo ako buong handaan mo.

Gabi na at nagsiuwian na ang mga bisita mo, tulog na rin ang mama't tatay mo. Tayong tatlo na lang ng yaya mo ang gising habang isa-isa mong binubuksan ang mga regalo sa 'yo... alkansya, libro, stationary, at marami pang iba....

Chapter 6 - BIRTHDAY PRESENT

Tuwang tuwa ka sa regalo sa 'yo ng mama mo, si Barbie at Ken

And ganda ni barbie at pogi si ken, nadagdagan na ang manika mo. Inabot ka na ng madaling araw kakalaro sa aming tatlo nila ken.

Dahil hindi sila nagsasalita. Ang boses ko ang ginagamit mo para sila ang mag-usap.

Ang galing galing mong gumawa ng mga love story nila barbie at ken.

Sa tuwing patutulugin ni ken si barbie, pipindutin mo ang button sa dibdib ko at boses ko ang magsasabing Goodnight

Sasagot naman si barbie ng Sweet Dreams gamit pa rin ang boses ko.