Manika - Jamila

Chapter 9 - I HATE YOU

Natanggap na ng tatay mo ang keys of acceptance ng hinuhulugang house ng mama mo sa southville village, meaning pwede na kayong lumipat.

Nag announce ang mama mo ng Garage Sale, ibig sabihin ibibenta ang mga hindi importante.


Ito ang araw na kinatatakutan ko, dahil alam kong wala na akong silbi, sira na ang lagayan ko ng baterya at hindi na muling maririnig ang boses ko.

Masaya ka pa ring pinaglalaruan si barbie at ken kahit nagmo-monologue ka na lang.

Wiling-wili ako habang pinapanood kitang nag kukwento with accent kay barbie at husky voice naman kay ken.

Tinanong ng yaya mo ang mama mo kung isasama ba ako sa ibibenta, tumanggi ka kasi mahal mo ako. Sumabat ang tatay mo na may dala-dalang bagong stuffed toy!

Benta mo na sila kasi malaki ka na! Magdadalaga ka na. Ito oh may bagong stuffed toy sa 'yo si tatay!

Nang nabasa mo ang nakasulat sa damit, tumawa ka ng pagkalakas lakas.

Tsk tsk tsk, 'dun na naman bumili ang tatay nya ng stuffed toy, matignan nga ulit ng malapitan kung bakit siya tumawa.

Ayun

i hate youth

Ang nakasulat sa malapitan, may small th sa dulo, tama nga magdadalaga na siya kaya wala na kaming silbi nila barbie at ken. huhuhu.

Chapter 10 - PURPOSE DRIVEN LIFE

Nakalipat na kayo sa southville at syempre kasama ako kasi pinagpilitan mong huwag akong ibenta.

Hindi ko na nakita si barbie at ken at iba pang laruan mo, pati ang stuffed toy kasi nasira agad kaka laba ng yaya mo.

Natutuwa ako kung gaano mo ako treasure dahil simple lang ang dahilan mo, ikaw ang bumili sa akin, si barbie at ken bigay lang sila ng mama mo, si You're unfair at I hate you, bigay ng tatay mo.

Ako naman napili at nagustuhan mo.

Dalaga ka na nga, kasi regalo sa 'yo ng ninang mo ay The Purpose Driven Life
by Rick Warren na book, nawili ka na sa kababasa ng libro. Wala na sa isip mo ang paglalaro ng manika. Masaya pa rin naman ako dahil kapag nanonood ka ng TV habang kumakain ng clover chips ay akap mo pa rin ako.

Minsan isang gabi habang nagbabasa ka....

Kinuha mo ako....

Tinitigan mo....

Sinuklay ang buhok ko....

Hindi ko mawari kung bakit ka nagkaka ganyan.

Tapos sabi mo sa akin,

hindi lang pala tao ang may purpose for existence

kinausap mo ako tapos sabi mo


thank you kasi bilang manika, you also have a purpose, I am happy kasi you have done your purpose during my childhood days

I will treasure you, para kapag nag asawa na ako, at nag ka-anak din ako ng baby girl, ikaw pa rin ang manika niya. Ikukwento ko ang pinagsamahan natin sa kanya.

Magpapabili ako kay tatay ng bagong lalagyan ng baterya para sa likod mo para marinig ko ulit boses mo.

Salamat sa 'yo Manika-Jamila

...ang mga tauhan at pangyayari ay pawang mga kathang isip lamang at nagkataon lamang, kung ito man ay nangyari, nangyayari o mangyayari pa lang sa nakakabasa maaaring lawakan ang imahenasyon at hanapin ang nakatagong istorya sa likod ng mga pangyayari salamat po sa matiyagang pagsubaybay sa maikling nobelang ito - Francis