Manika - Jamila

Chapter 7 - SALBAHE SIYA

Isang araw papadabog kang pumasok sa kwarto at nangingilid ang luha mo sa magkabilang mata, kinuha mo ako at sinambit mong


Salbahe sya!, Salbahe si Tatay!

Maya maya pa't humagulgol ka na ng iyak, sa 'di sinasadyang sandali naihagis mo ako sa dulo ng iyong kwarto.

Tumilapon ako at tumama ang likod ko na naging dahilan ng pagkalas ng mga baterya sa lalagyan at masira ito.

Ramdam na ramdam ko ang sakit na nadarama mo sa bawat hikbi mo. Gusto kitang tignan at lapitan ngunit hindi ko magawa dahil nakataob ako sa pagkakadapa.

Hindi ko naman maigalaw ang katawan ko dahil manika lang ako.

Marahil siguro ay may mabigat kang kasalanan sa tatay mo kaya ka napagalitan at napalo. Gusto ko mang itanong sa'yo ang dahilan, hindi mo rin naman ako maririnig. Saka kung sakali mang kaharap mo ako, walang sense ang facial expression ko dahil nakangiti akong manika.

Nakaramdam ako ng lungkot ng mga sandaling 'yon dahil hindi ko nagampanan ang pagiging manika ko, ang magpaligaya ng bata.

Chapter 8 - YOU'RE UNFAIR

Nakatulog ka na lang sa ganong position kakaiyak, samantalang ako ay inayos ng yaya mo para itabi sa 'yo.

Malalim na ang gabi at himbing na rin ang tulog mo pero paminsan minsan nagsasabi ka ng I hate you, You're unfair!

Kahit na tulog ka na ay malinaw pa rin ang accent mo dahil siguro nga sa montessori ka nag-aaral.

Kinabukasan tanghali ka na nagising, ok lang naman kasi walang pasok, sabado.

Nagulat ka sa binigay sa 'yong stuffed toy ng tatay mo.

Aba teka kilala ko itong stuffed toy na ito ah! Ito 'yung nasa harapan ko sa istante sa Dolls Section, stuffed toy na may letrang You're Unfair!

Nang mabasa mo, humagikhik ka sa kakatawa. Tapos napa akap ka sa tatay mo sabay sabing

Sorry Po, I Love you Tatay.

Ah! kaya pala ganon ka benta ang stuffed toy na 'yon, na may letrang You're Unfair! kasi nakakapagpatawa sa binibigyan

...na intriga ako dun ah! kayo naintriga din kayo noh? tara tignan natin nang malapitan ang nakasulat!

Nuong inakap mo ang stuffed toy at itinabi sa akin, talagang kinilatis ko ang nakasulat dahil may kung anong karisma meron ito na nakakapag paligaya sa binibigyan.

Sa malapitan, ito ang nakasulat

YOU'RE UNFAIR
COMPLEXION

Kaya pala siya tumawa. Kasi naman may kaputian ang kutis nya.

...Corny noh! pero sa bata hindi! saka nobela ko 'to noh!