Dalawang Paruparo

Sa dalampasigan aking nasilayan,
Kayganda ng kulay ng kalangitan;
Sa malayong tanawin pinagsama ng hangin,
Mga ulap at karagatan tila naghahalikan.

Sa pagbuntung hininga langhap ko ang ginhawa,
Sa simoy ng hangin walang ibang sarap na maihahambing;
Tulad ng mga talulot na halimuyak ang dulot,
Halik ng paruparo nektar ang nais ko.

Pagdapo ng takipsilim paruparo ang tanawin,
At kung iyong iisip-isipin dalawang maituturing.

Dalawang Paruparo