Payo ni Kiko

Tula

Sa bawat sandali, ng mga panahon,
Samo't saring kathang, sa isip ay nalikom;
Marami na, ang nais ilathala,
Maraming nais, gawan ng tula.

Mga maikling kwento, at nobela,
Na sa puso, ay makapagpapasigla;
Pag-ibig, na minsang naranasan,
Masarap, ngunit panandalian.

Wagas na layunin, kapag sinubukan,
Mauuwi naman, sa masayang kasalan;
Mga kathang sulatin, sa isip ay ukitin,
Sa kasintahan, ay iyong sabihin, tiwala niya'y, iyong kakamtin.

At kung ikaw nama'y, bigo sa pag-ibig,
Akong si kiko, ay iyong tanungin;
Pinagdaanan mo, ay subukang limutin,
May darating pang iba, na ika'y mamahalin.

Mga kakatwang karanasan ay hindi malilimutan,
Naroong mabasá ka sa lakas ng ulan;
Upang ang sinisinta ay iyong payungan,
Pipiliting maglakad sa katanghalian upang ang iniirog ay masabayan.

Sa bus naman, ay makikipagsiksikan,
Hanggang sa ikaw, ay pagpawisan;
Upang mauna lamang, sa inyong tagpuan.

Kung sakaling ikaw ay nakipaghiwalay,
Huwag ka sanang mawalan ng malay;
Isipin mong parte ito ng iyong buhay,
Minsan masaya minsan matamlay.

Move on ang maipapayo ko,
Kalimutan siya limutin ng todo;
At kapag minsang magkita kayo,
Piliting iwasan minu-minuto.

Kapag siya'y makikipagbalikan sa iyo,
Saliksikin mo ang sarili mo;
Kung siya nga ba ay tunay na seryoso,
At kung makita mo sa sulok ng iyong puso.

Na pagmamahal parin ang nadarama mo,
Pakinggan mo ang payo ni kiko;
Yakapin mo siya at halikan ng todo.