Brownout

Sanaysay

Kandila

Noong bata pa ako kapag brownout ang saya‑saya ko lalo na 'pag gabi,
Kasi maglalaro sa labas,
Magtataguaan,
Makakasama ko nang matagal ang crush kong kalaro
Magkukwentuhan kayo ng nakakatakot
Magsisindi ng kandila
Maghahabulan
Hayzzz

Pero bakit ngayon, kapag brownout
Marami ang nagagalit?
Si tatay naiinis kasi championship ng Lakers vs Celtics hindi nya napanood
Si ate nag aalala sa BF nya hindi na nga nagtetext hindi nya pa matawagan kasi lowbat ang cp nya
Si lola naiinis kasi magpa paypay na naman siya
Buti pa si lolo
Masaya ang bonding namin
Habang nakikinig sya ng transistor
Ako naman naglalaro ng hotwheels na padala ni MaMa galing Qatar
Pano kaya kung hindi na magkaroon ng kuryente?
Hindi ko na makikita si Mama sa webcam
Hindi na kami makakapag chat...
Nakakalungkot naman
Buti na lang at may ilaw sa inyo at nabasa mo itong mga kathang isip ko.