Balagtasan Kasama si Babyluv at Jerwin

Babyluv:
Sa iyong mga kataga kaibigang makata,
Ang lalalim ng iyong ginamit na salita.

Hindi kayang arukin kahit gaano kahaba,
Isa kang henyo na aking tinitingala.

Minsan sa mga nagawa mong tula,
Mistulang nagdaramdam sa mga talata.

Iba nama'y masyadong humahanga,
Ngayon nama'y mukhang maniningala.

Para sa akin masyadong mahiwaga,
Pagkatao ng kuyang gumagawa ng akda.

Malalim ang kanyang pinaghuhugutan ng diwa,
Matalinghaga ang linya ng bawat salita.

Kiko:
Sa mga talatang aking nabanggit,
Alam ko sa akin ang iba ay may galit.

Dahil nasagi ko ang kanilang langit,
Karanasan nilang sinasabing pangit.

Ngunit ano ang aking gagawin?
Kung sa isip ay sumingaw ang mga tanawin.

Pilit ko mang ito ay alisin,
Dadagdag ito sa akin isipin.

Kaya basura ng aking isipan,
Hayaan mong ito ay lumisan.

Abangan mo ang iba pang laman,
Magugulat ka at hindi maiintindihan.

Jerwin:
Sa bawat bigkas sa mga salita,
May patamang hatid sa pusong namangha.

Hindi man pansinin ay 'wag damdamin,
'Ppagkat katangiang angkin sayo'y hahanapin.

Kung puso'y nasikil ay wag pipigilin,
Hayaang lumabas nakatagong lihim.

Pusong tumitibok ay kusang aamin,
Paghangang angkin t'yak bibigkasin;
At agad sasabihin sana ikaw ay akin.

Kiko:
Aking kaibigan ako'y natutuwa,
Sa aking tula ika'y nagbigay diwa.

Sa mga nasambit mo labis akong namangha,
Sa maiksing panahong tayo'y nagkakilala;
Pagkatao ko'y iyong nahinuha.

Isang pasasalamat ang iyong tanggapin,
Mula sa akin at ito'y sasabihin;
Ang ibang mga tula ko ay iyong basahin,
Upang lalo kang matuwa sa akin