Balagtasan Kasama si Babyluv

Babyluv:
Hindi ba tayo ay may kasabihan?
Na sa bawat pagmamahalan.

Hindi pwedeng hindi masasaktan,
Lalo na kung pag-ibig ay makatotohanan.

Sa dalawang taong nagmamahalan,
Kahit anong hirap ang pagdaanan.

Lahat ng 'yan ay malalampasan,
Basta matatag ang kanilang samahan.

Iyong binigkas na hindi na mululunasan,
Sapagkat ito'y bunga ng maling pagmamahalan.

Subalit ito'y matagal mo 'ding pinag-isipan
Bago ka naging handang ito'y talikuran.

Lahat ng tao'y may kanya-kanyang kapalaran,
May tama at mali na nararamdaman.

Ang iba nama'y sakit ang pinagdadaanan,
Pero pag-ibig kanila pa 'ding pinaglalaban!

Sakit man o kirot bunga ng pagmamahalan,
Iyong winikang amnesia ang naging dahilan.

Para makalimutan ang mga nararamdaman,
Palagay mo ba ito'y iyong matatakasan?

Maaaring panandalian na iyong makalimutan,
Pero sa puso mo siya pa rin ang nandyan.

Katulad ng patalim na itinarak sa laman,
Malapatan man, may peklat pa ding naiwanan.

Hindi ko man sadyang nauunawaan,
Pagpasensyahan po, aking mga batayan.

Iba niya'y nababasa ko lang din naman,
Minsan nama'y tunay na nararamdaman.

Bakit ba kuya dito napunta ang balagtasan?
Nauulit tuloy ang ating mga sagutan.

Hinahasa mo na naman ang aking isipan,
Alam mo namang hindi kita mapapantayan!

Kiko:
Sadyang pinagtagpo itong ating landas,
Kahit na anong gawin kong iwas.

Ano ang iyong pangalan?
Hindi talaga kita matandaan.

Saan ba ang ating tagpuan?
Isip at diwa ko ay walang laman.

Minahal ba kita at iniwanan?
O nagkalayo tayo dahil ikaw ay nagtanan?

Buhayin mo ang aking isipan,
Pakitaan mo ako ng ating larawan.

Kung tunay nga noon'y may pinagsamahan,
Sariwain mo sa akin ang pagmamahalan.

Salamat sa tugon mong pagkahaba-haba,
Tunay na magaling kang gumawa ng tula;
Hinuhugot sa puso ang diwa'y nagsasalita.

Bakit nga ba kung pag-ibig ang ideya?
Kara-karakang sasagot, pintig sa puso ay bumubulusok;
Kahit na anong linya ay ipapasok pinipigil pati ang paglunok.

Sa kawalan pirming nakatitig,
Iniisip kung ano ang tamang ipa-pantig.

Laman ng isipan ay nais pakawalan,
Isang pagsusulit sa balagtasan.