Tula
Ang dating daan na iyong tinatahak,
Nadaanan na ng sangkatutak;
Na halos masira ang kanilang panyapak.
Ang pagsubok na iyong dinaranas,
Sa wari mo'y hindi na magwawakas;
Bukas manalig ka na ito ay lilipas.
Sa simula ikaw ay nalilito,
Ang isip mo ay natutuliro;
Kapag hindi mo alam ang Kanyang pangako.
Ilagak mo ang tiwala sa Kanya,
Alisin sa isip ang pagkabalisa;
Aa Kanya mararanasan ang tunay na ginhawa.
Huwag kang mag alala aking kaibigan,
'Pagkat Kanyang habag at katapatan;
Ay laging bago sa kinabukasan.
Kung ano man ang iyong pinagdadaanan,
Siguradong nadaanan ko na 'yan;
Ang hirap ng kalooban, akin nang napagtagumpayan,
Sa tulong ng Diyos na makapangyarihan.