Tula
'Di ko alam kung paano sisimulan,
Paggawa ng tulang alay sa kaibigan;
Mahaba kasi ang aming pinagsamahan,
Higit pa sa kapatid ang aming turingan.
Aking babalikan aming pinag-umpisahan,
Nagkita sa sealine kasama ng kaibigan;
Pagtawa niya ay hindi mapapantayan,
Mula noon siya'y aking napapanaginipan.
Araw ng huwebes ng muling magtagpo,
Kanyang pinagtyagaan aking mga luto;
Kantahan at kwentuhan kami'y nagkasundo,
Mula noon kami'y naging magkabaro.
Hindi nagtagal akin siyang nakilala,
Nuon ko din nalaman na mahina pala;
Kaunting problema umiiyak na siya,
Kaya ako naman palaging nagpapa alala.
May pangyayaring dumating sa buhay niya,
Hindi niya akalain na magkakaganun siya;
Bagamat mahirap ang naging sitwasyon niya,
Salamat sa Diyos lahat nakayanan niya.
Ngayong dumating na araw ng pag-alis niya,
Natapos na lahat ang pinaglalaban niya;
Ako'y nalulungkot pagka't malalayo sa kanya,
Subalit masaya pagka't siya ay malaya na.
Mahabang pinagsamahan hindi makakalimutan,
Maraming pagsubok ang aming pinagdaanan;
Masasayang alaala sa akin ay maiiwanan,
Hindi dito magtatapos ang ating pagkakaibigan.
Sa mga problema mo dapat maging matatag ka,
Lahat ng pagsubok dapat maging handa ka;
Sa lukaret mong kaibigan ay malalayo ka na,
Huwag mo sanang kakalimutan mga paalala niya.
Maging milyang layo man ang ating pagitan,
Hinding-hindi mawawala sa puso kailanman;
KAMISETA kung tawagin sa aming samahan,
Pagkakaibigan natin hanggang sa kamatayan.