Pangakong Magiging Tayo

notesnikiko.com Mga Tula ni Babyluv

Tula

Sa aking paghahanap,
Sa nakalipas na naganap;
Siya’y aking nakadaupang palad,
Maswerte at ako’y pinalad.

Hindi ko akalain,
Na ako’y pagpapalain;
Lalo na nang ako’y biglain,
Sa pagbalik siya’y magiging akin.

Pangako

Pangako niya’y aking aasahan,
2012 salitang binitawan;
Hindi man bukal sa kalooban,
Ako pa rin ay makikipagsapalaran.

Biro man o ito’y totoo,
Itataga ko na sa bato;
Marami mang magdaang bagyo,
Pangako mo’y hihintayin ko.

Dumating man ang taong ito,
Asahan mong hindi magbabago;
Pag-ibig dito sa puso ko,
'di mabilang na bag ang pinangsemento.

Sabi mo pagdating ng panahon,
At ikaw at ako’y nakaipon;
Maaring iwanan ang iyong propesyon,
Ibabalik ang nakalipas nuon.

Sana pangako mo’y hindi magbago,
Dahil nakaukit na dito sa puso ko;
Ikamamatay ko kapag ako’y niloko,
Hahanapin ka kahit sa dulo ng mundo.

Dahil buhay ko’y iyong binago,
Pagmamahal ko’y binuhay mo;
Sana lahat ng ito’y totoo,
Ikaw at ako’y magiging tayo.