Ang Pitong Awit

PAUNAWA:

Ang inyong mababasang tula / balagtasan ay orihinal na gawa ni Francis Morilao, ayon sa buod ng kwento ng Ibong Adarna.


Unang Awit ng Ibong Adarna

Aba haring Don Fernando
Kilalanin mo ngang totoo,
Ang naninikluhod sa iyo.

Iyan ang bunso mong anak si don Juan ang pamagat,
Na nagdalita nang hirap sa utos mo ay tumupad.

Pangalawang Awit ng Ibong Adarna

Aba haring sakdal dilag,
Pakinggan di man dapat;
Yaong kay Don Juang hirap.

Ang bunsong anak mong hirang,
Nagtiis nang kahirapan;
At siyang nag-alis naman,
Batong balot sa katawan.

Pangatlong Awit ng Ibong Adarna

Mahal na hari ay dinggin mo,
Nagsiuwi silang tatlo sa bahay ng ermitanyo.

Sila nga ay piniging pa, pinakain sa lamesa,
Pinangaralan pa sila, anak ang siyang kapara.

Pang Apat na Awit ng Ibong Adarna

Nang makakain na naman itong ermitanyong mahal,
Madlang sugat ni don Juan, pinagaling niyang tanan.

Pang Limang Awit ng Ibong Adarna

Nang sila ay lumakad naman sa bundok at kaparangan,
Si don Pedro ay nagsaysay na patayin si don Juan.

Si don Diego ay sumansala, yao ay masamang akala,
Sa buhay na mawawala ni don Juan na ating mutya.

Pang Anim na Awit ng Ibong Adarna

Mahal na hari pakinggan kay don Juang kahirapan,
Ay ang pinagkaisahan nang dalawang tampalasan;
Ay umugin ang katawan sa gitna nang kaparangan.

Nang hindi makagalaw ang prinsipeng si don Juan,
Kapagdaka ay iniwan ako ay kanilang tinaglay.

Pang Pitong Awit ng Ibong Adarna

Mahal na hari ay pakinggan pinagdaanang kahirapan,
Ng bunso mong si don Juan.

Sa malaking awang lubos ng Birheng Ina ng Diyos,
Isang matanda ay dumulog at siya ay tambing ginamot;
Hinipo na ang katawan at pinag-ayos ang lagay,
Nakatindig na mahusay itong prinsipeng si don Juan.

Kaya ko 'di ipakita ang marikit na itsura,
Ay hindi dumarating pa ang sa akin ay kumuha.

Ang isa pa haring mahal,
Ang anak mong si don Juan;
Siya mo pong pamanahan nitong iyong kaharian.