Nang tayo ay muling…

Sanaysay

ang lakas
ang lakas lakas

ang lakas lakas ng tibok
ng tibok ng puso ko

kanina hindi naman
tapos
tapos ano ito,
pati ang mga tuhod ko
ay mahina
mahina na
para bang
para bang babagsak ako

idinilat ko
idinilat ko ang aking mga mata
at
ikaw
ang iyong mukha
ikaw nga
pagtingin ko sa paligid
nakayakap pala kayong lahat
kayong lahat sa akin

totoo na ito
hindi na ako nananaginip
yakap na kita
hawak ko na sila
dama ko na kayo
at magsasama sama
na ulit tayo
tinupad ko ang aking pangako
uuwi ako
uuwi ako…

ang dalawang taong pananabik
ay naibsan ng dalawampung sigundong
yakap at halik

isang eksena sa loob
ng Ninoy Aquino International Airport Arrival Area