Hamon ng Balagtasan Kasama si Gumamela

Kiko:
Baraha ng pag-ibig ay maaaring awitin,
Magbibigay sigla sa malungkot mong damdamin.

Samahan akong ito ay kantahin,
Bawat linya ay basahin at ito'y sauluhin.

Gumamela:
Ang pag-ibig ay isang baraha,
Bawat balasa walang ganap na bunga.

Kadalasan hatid nito'y luha,
Sa pakatalo ng itinaya :)

Datapwat sa bawat pagpitik ng baraha,
Andun ang mapang-akit na reyna.

Ikaw ang alas na magiging sandata,
Sa pag-ikot ng tagapaglaro sa lamesa :)

Kiko:
Ngunit sadyang mahirap subukan,
Ang laro ng pag-ibig kung minsan.

Kahit na anong gawing pintahan,
kung hindi naman tunay na bihasa sa larangan.

Parang isang barahang inihihiwalay,
Joker kung tawagin ni inday.

Kahit na anong seryosong tunay,
Nauuwi pa rin sa paghihiwalay.

Gumamela:
Ang joker kadalasan hindi ginagamit mahal kong kaibigan,
Ito ay panlito lamang.

Nasa saiyo pa rin ang tangkay,
Ng pagkatalo o pagkapanalo sa isang sugal.

Kagaya ng pag-ibig kailangan mong sumabay,
Hindi para makipaglaro kundi makibagay.

Sa hudyat ng baraha dapat may ilalagay,
Kagaya pa rin ng pagmamahal nasa kamay mo ang alas para ituloy ang laban.