Tula
Sa panahon na naiwan tayong mag-isa,
Maraming bagay ang naaalala;
Ang iba sa atin ay nagpapaluha pa,
Napakahirap ang mawalan ka.
Binabalikan natin ang nakaraan,
Kung saang lugar tayo nagsumpaan;
Mga nakatabing larawan,
Kasa-kasama hanggang sa higaan.
Bakit nga ba mahirap ang mag-isa?
Sa pakiramdam ay aping-api ka;
Walang patid ang luha sa mga mata,
Hindi na maibabalik ang lumipas pa.
Sa hapag kainan ay walang gana,
Ni isang subo ay hindi makuha;
Sa komedya ay napapaluha ka,
Sana ako na lang ay isinama.
Puso ko’y punong-puno ng pighati,
Hindi alam kung kailan pa makakangiti;
Sa nakaraan tila ako’y nakabigti,
Paano kaya dalamhati’y maiwawaksi?
Sabi nga ni kapamilyang Zsa Zsa,
Bakit ka ba gumigising sa umaga?;
Para saan at kanino nga ba?,
Gayong pagmulat ng mata ko’y wala ka na…