tsinelas | makabagong balagtasan




Kiko:

kapag nagMahal ka,
pangatawanan mo!
patunayan mong karapatdapat ka
sa nakaHilerang mga binibenta.

mura ka nga,
wala ka namang kwenta;
eh 'di doon na ako sa mahal,
siguradong matibay at magtatagal.
August 1 at 10:47pm via mobile

WOF:
Hindi lahat ng mura ay walang kapasidad
Parehas lang sila na may abilidad
Magsuot man ng mamahalin ngunit baralbal
Doon na ako sa Mura na iingatan dahil 'di magtatagal
August 1 at 11:05pm

Kiko:
Oh kaySarap basahin,
ang pagMumurahan natin
kahit na ano ang gagawin
maramdaman mo lang na Mura ka sa akin

kung ako'y iyong Mumurahin,
ikaw'y mumurahin din,
pagkat pagmumurahan natin'y
masaya sa 'king damdamin.

At kung dumating ang panahon
magMahal ka ng nakaKahon,
isipin mo lamang kahapon
minura mo ang lumabas sa kahon.
August 1 at 11:11pm via mobile

WOF:
Kahit papaano'y iniiwasan ang Mahal na kahapon
Pagkat andito ngayon ang murang aking inipon
Pinag isipan at pinag aralan kahit sinisipon
Umasa kahit paano at maghihintay sa dapit hapon
August 1 at 11:17pm

Kiko:
ginhawang dulot ng simoy ng hangin,
sa dapit hapon ating salubungin
hanggang sa magtakip silim
ngiti sa labi mo'y kapansin pansin

bago mahiga sa pagkakatulog
ligayang hatid ng pagkamot ng likod
ala alang maghapong sininop
hayaang dumating ang mahiwagang antok
August 1 at 11:23pm via mobile

WOF:
Hindi maiiwasan mawala sya sa aking isipan
Pikit mata na'y ayaw paring lumisan
Katawan ay di alam kung saan ipapaling
Sana ay katabi ko sya at kapiling
August 1 at 11:30pm

Kiko:
Nawa'y kumot ay hindi mamagitan,
sa pangarap kong pinlano nang minsan;
hayaang ginaw sa gabi ay pumailanglang,
nang tuluyang magdikit ang ating katawan
August 1 at 11:36pm via mobile

WOF:
Hindi ko kailangan ang kumot para maibsan ang lamig
Ang kailangan ko lang ang yakap ng kanyang bisig
Pagdampi ng kanyang kayamang kutis sa akin
Ay hudyat ng lamig na nararamdaman ay lilisan sa amin
August 1 at 11:42pm

Kiko:
Init ng pagmamahal
o malisyang aking inaasal?
tanong sa aking ng magbabakal
kikiluhin po ba itong binibentang busal?
August 1 at 11:45pm via mobile

WOF:
Di ko na talaga kayang makipag tikasan
Sa mga salitang inyong nagisnan
Pagkat inaantok na ako
Bukas na lang pangako ko
August 1 at 11:47pm

tCP:
eh ano ba 'yang busal
gamit po 'yan sa kalabaw
saan ka kukuha ng inasal na kalabaw
dito napakarami ng mga taong paimbabaw
'di mapagkakatiwalaan't bituka'y mga likaw
August 2 at 9:36am

sorry pasensya na kung ako'y nahuli
sa tulaan ninyong hanggang hating gabi
tsinelas na topic 'di ko maiwaksi
tang inang mura na flat ka kagabi
aba'y hapon'y pagkamahal mahal
eh di kay nanay adidas ang taglay
tatak nito'y nike na ubod ng tibay
tang inang mura kawawa lang ito
tinapon lang sa basurahan n'yo
eh 'di kasi naman ng suutin ito
nawarak kaagad kaya iniwanan tayo
August 2 at 10:29am

hiya haba haba nitong aking tugon
parang nanggaling pa sa mainit na pugon
hala mga katropa 'wag ng lilingon
sa murang tsinelas ninyong itinapon
ang pupulot nito t'yak na may katugon
mahilig sa used kahit na patapon pweeeeeee.
August 2 at 10:32am

tsinelas na topic ay anong ganda
pagkat laging gamit sa tuwi-tuwina
lalakit babae 'di mapakali
pagwalang tsinelas sila'y mangangati

mag-ingat sa mura ito'y delikado
'pagkat minsan minsan may virus po ito
iyan ang mahirap matyempohan ninyo
may virus na suot ng nobya ninyo
t'yak mahahawa ang mga paa nyo
had had alipunga ang gantimpala n'yo
pag ito'y kinagat may aids pa po ito
kakalat ang laway hanggang pamilya n'yo
'di kasi naman iinom sa baso… pweeeeeeee
August 2 at 10:47am

This conversation was created on August 1 at 10:47pm
on our Group PRO-Qatar