Pag-ibig sa Malayong Lugar

Tula

Pag-ibig daw ay kusang nararamdaman,
Ng taong kung magmahal ay lubusan;
Pag-ibig nga rin kayang maituturing?
Ang hangaan ka sa lakas ng iyong dating?

Mula nang makilala'y mundo ko'y sumigla,
Oras ng pagtulog ko'y biglang naiba;
Sa bawat sandaling iniisip kita,
Ramdam ng puso ko'y tila anong saya.

Ngiti sa aking labi,
Hindi ko maikubli;
Sa tuwing pangalan mo,
Sa isip sumasagi.

Kailan kita muling makakausap?
Tanong sa sariling nakatingin sa mga ulap;
Sana'y matupad itong aking pangarap,
Ang minsan pang ikaw ay mayakap.

Kahit anong layo ang 'yong kinaroroonan,
Kahit ilang agwat ang layo ng orasan;
Kung sa bawat tibok ng puso'y sa iyo nakalaan,
Ligayang dulot magpakailanman.

Mahal na mahal kita…