Oo nga naman

Tula sa Pag-uwi ng OFW Oo nga naman

Tula

Sa anim na buwan na pangingibang bayan,
Sa bawat almusal, tanghalian at hapunan;
Ang sikat ng araw sa may silangan,
Ang s'ya pang nakaliligtaan.

Ano nga ba ang halaga ng sikat ng araw?
Ano ang hiwaga kapag siya'y tinatanaw?
Sa takipsilim ng bawat nating lumbay,
Pag-asa kinabukasan, kanyang ibinibigay.

Airplane Window In Flight

At kung sakaling may pagkakataon,
O talagang may tamang panahon;
Sa kanyang pagsikat, mata ay ituon,
Liwanag nya'y bubura sa lungkot ng kahapon.

Oo nga naman, kung iisipin,
Ang pagkakataong kaysarap namnamin;
Pagdilat ng mata mula sa kapahingahan,
Liwanag na dulot sa may silanganan.

Napaka gandang pagkakataon,
Lulan ng isang malaking ibon;
Mata'y sa bintana nakatuon,
Sikat ng araw kumukuha ng atensyon.

Oo nga naman kung pagninilayan,
Sa pagbabalik sa sariling bayan;
Liwanag ng umaga ang unang masisilayan;
Ibayong galak ang mararamdaman.

Salamat po sa biyaya mo AMA,
Na muling mamasdan ko ang ARAW na Iyong ginawa;
Ang AWA MO ay LAGING BAGO SA UMAGA,
Iyong KATAPATAN ay NAPAKADAKILA.

In Flight Cebu Pacific bound to MANILA 5:30 am