Ang Aking Bayani Bow!

Teka bakit nga ba "Ang Aking Bayani",
Ang pamagat ng tulang hinahabi;
Bakit hindi "Ang Tunay na Bayani",
Eh kasi naman po kasi, ang daming huwad na bayani.

Tao nga naman kapag sinagad mo ang inis,
Tunay na ugali lumalabas talaga pramis;
Kinalimutan na noon'y siya'y tinitingala,
Ngayon'y lume-level sa pagpapakababa.

Sabi ni Ma'am, meron daw kasabihan,
Salita'y isipin bago pakawalan;
Reputasyon ang nakasalalay sa iyong tinuran,
Baka ito'y makasira ng iyong pangalan.

Ang aking bayani ay napakabuti,
Hindi po sya salbahe na kagaya ng marami;
Hind po sya marunong mang-bully,
Hindi rin sya rumeresbak kasi may pagtitimpi.

Ang aking bayani ay mapagmahal,
Hindi sya naghahamong mananakal;
Tunay na lalaki siya kung umusal,
Hindi parang babaeng kulang na lang lagyan ng busal.

Ang aking bayani ay mapagbigay,
Hindi talaga siya marunong mang-away;
Mas gusto nya pang manahimik at magsuklay,
Kesa magtaray at magtaas ng kilay.

Ang aking bayani ay mapagpakumbaba,
Kahit sabihan syang talunan sa kanya'y balewala;
Hindi kasi kasikatan ang sa kanya'y mahalaga,
Ang tunay na mahalaga sa kanya'y kanyang kapwa.

Ang aking bayani ay may takot sa Diyos,
Mga salita niya'y nasa ayos;
Baluktutin man ng iilan,
Diyos naman siya'y kakampihan.

Ang aking bayani ay may pananampalataya;
Marunong siyang maghintay kahit sabihin ng iba'y wala,
Sa langit nakatuon kanyang mga mata,
Sa tamang panahon darating ang biyaya.

Ang aking bayani ay hindi pulitiko,
Hindi rin sya ang akalang mayor nyo;
At mas lalong hindi sya probinsyano;
Dahil ako lang nakakaalam ng bayani ko. Bleh.

Ang Aking Bayani Bow!