Sipol

Tula

Sa mundong akala mo'y ikaw'y nag-iisa,
Tumingin sa paligid at wala kang makita;
Pumikit at bumuntong hininga,
Magugulat ka sa napakalaking pag-asa.

Hindi mo namamalayan na nandyan lang siya,
Hinihintay ka lang na tawagin mo siya.

Mula pagkabata kilala mo na sya,
Nagmula sa iyong puso, natutunan mo sya;
Walang nagturo sa iyo kung papaano tawagin sya,
Likas sa iyong isip nakilala mo na sya.

Sa pagtakbo ng buhay nakalimutan mo sya,
Hanggang sa muli mo syang maalala nang minsang naiinitan ka;
Bigla na lang na tinawag mo sya,
At pakiramdam mo ay guminhawa.

Mayroon kayong koneksyong hindi maipaliwanag ng siyensya,
Ngunit sadyang nakapagtataka;
Kapag tinawag mo sya, agad nariyan sya.

Kaya't kaibigan huwag mong kalilimutan,
Ang ating kaibigan ay parating nariyan;
Isang tawag lang, pakiramdam mo ay gagaan,
Subukan mo at ikaw ay magiginhawaan.

Minsan ang kanta sa sobrang taas hindi mo na kaya,
Isisipol mo na lang sya at para bang ang dali lang diba?
Si kuyang masayahin, panay sipol ang gawain,
Trabaho nya'y dumadali, gumagaan kahit sandali.

Itong si tukayo sa magandang dilag nakatingin,
Hindi kayang ilabas ang paghanga, kasi torpehin;
Kapag siya'y dumaraan, sa sipol na lang babawiin,
Mairaos lamang ang laman ng damdamin.

Kaya pagsipol ay huwag kalilimutan,
Kapag ang panahon ay maalinsangan;
Garantisadong maaasahan,
Hanging maginhawa ay parating nariyan. Bow.

notesnikiko.com Tula