Makulay na Buhay sa Pandemya

Tula tungkol sa pandemya

Aninag ng sikat ng araw,
Tagos sa suot kong face shield;
Ang dating kuluretey,
Napalitan ng face mask.

Kanya kanyang desenyo,
Pataasan ng presyo;
Face mask na dati'y sampung piso,
Ngayon'y kulang ang bente pesos mo.

Itong si Nanay nainip sa bahay,
Naghanap ng brush at saka nagkulay;
Buong pader ay pininturahan,
Instant pintor ang pormahan.

Pati online selling pinasok ni Nanay,
Syang dating panay ang kilay;
Dahil sa lockdown nakalimutan nang magsuklay,
Ayuda ng baranggay ang palaging inaantay.

Ayudang nababalot ng berde,
Ang iba naman'y kulay puti;
Dilaw minsan ang palamuti,
Pagbukas mo, delatang pula at bigas na puti.
('yung iba brown na)

'Yung dating kurtina ni Kumare,
Ngayon ay bulaklakin na parate,
Asul Pula at Tsokolate,
Medyo rock pero desente.

Instant viral naman itong si Ate,
Sa tiktok panay taas ng kili-kile;
Akala mo parang bulate,
Panay giling at alog ng dede.
(my heart went ops)

Si Kuya sumikat lalo sa ML,
Dahil sa lockdown tumaas ang level;
Maririnig mong palagi ang Triple Kill,
Nakalimutan nang maligo at magsipil-
yo! ahahha.
(sorna alang maisip na ka-rhyme)

Sa milktea nahumaling si Baby,
Iba't ibang kulay ang flavor grabe;
Masarap naman daw talaga sabi ng marami,
Sorry na lang, hindi ako mahilig sa milktea.

Makulay ang buhay sa tanim na gulay,
Malawak na pananim sa likod bahay;
Bakanteng loteng dating patay ang kulay,
Naging luntian at kawiliwiling tunay.
Bow!

MGA KULAY SA FILIPINO
RED • MABAYA
BROWN • KAYUMANGGI
PURPLE • LILA
BLUE • BUGHAW
YELLOW • KUNIG
PINK • KALIMBAHIN
GREEN • LUNTIAN
ORANGE • KAHEL
WHITE • PURAW
BLACK • DAGTUM