Home Page

Ang Poems Love Notes ay tumutulong sa mga mag-aaral na naghahanap ng Panitikan.
Helping students searching for Filipino Literature
Ano ang Tula?
Ang Tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga taludtod.
Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.

Ano ang Balagtasan?
Ang Balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtutula. Ang pinag- mulan ng pangalan na balagtasan ay ang orihinal na apelyido ni Francisco Baltazar, Balagtas, dahil ginawa ito para sa okasyon ng pagdiwang ng anibersaryo ng kanyang kaarawan.

Ano ang Maikling Kwento?
Ang Maikling Kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na nagsasalaysay ng isang pangyayari ng isa o ilang tauhan.
Tulad ng nobela at dula, ito at naghahayag ng madulang pangyayari na naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

Ano ang Nobela?
Ang Nobela o kathambuhay ay isang mahabang kwentong kathang-isip na binubuo ng iba't ibang kabanata. Ang mga pangyayari ay magkasunod at magkakaugnay at may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.


Search Online