Dula Daluyan

Ang buod ng dulang inyong matutunghayan ay naisali sa Dula Daluyan nuong 1989 sa Dulaang Raha Sulayman, Fort Santiago, Intramuros Manila. Kami (MHS Batch '91) sa pangunguna ni Ms. Rizalina Cusi (MAPeH Teacher) ay gumanap bilang mga tauhan sa dulang "Isang Araw sa Buhay ni Pedro".

Ako at ang aking matalik na kaibigang Jojo Impimo ang gumawa ng script at sa tulong ni Direk Soxie Topacio, ito ay naging makabuluhan at pinagmulan ng inspirasyon upang magsikap kaming mag-aral.