Sulyap sa Lumipas: Kapayapaan - Maikling Kwento ng Buhay

Bakit ganon? Bakit ang gulo-gulo ng isip ko? Bakit puro palpak ang mga nangyayari? tanong ko sa sarili ko habang naglalakad sa kahabaan ng Niog Road sa Bacoor Cavite...

Hindi maubos ang patak ng luha ko habang naglalakad, bitbit ang dala dala kong bag na ang laman ay puro damit ng aking maybahay, ihahatid ko kasi ito sa Antipolo kung saan siya namamalagi ngayon.

Sakay ng jeep papuntang Baclaran ay sisinghap singhap ako dahil sa impit na hikbi at dalamhati na aking dinaranas, ang apat na anak ko ay nasa Dasmari├▒as naman na alaga ng mag-asawa kong byenan na hindi ko pa nadadalaw ng dalawang araw.