Kaibigan Kailangan Kita

Ang tagal tagal kong nakayuko habang tinatapos ang pagsisintas ng aking sapatos, siguro nga hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung saan ako pupunta sa araw na ito. Tumingala ako at tumayo, inilagay ang magkabila kong kamay sa magkabilang bulsa ng aking maong na pantalon at unti-unting humakbang papalayo, papunta sa sakayan ng Bus.

Kaninang umaga paggising ko, plano ko nang maglakad lakad sa may kahabaan ng Emerald Avenue sa Ortigas, papunta sa dati kong trabaho sa Strata 100. Halos apat na taon na rin akong hindi nakakapunta, nakakadalaw man lang sa mga naging kasamahan ko dito…

Hanggang Kailan Ka Magmamahal

Ang Maikling Kwentong ito ay handog sa inyo
ng PEYK CHOCOLATE.
DON'T JUDGE THE CHOCOLATE BY ITS COVER
TIKMAN BAGO HUSGAHAN

parang kwento ko…
DON'T JUDGE THE STORY BY IT'S TITLE
BASAHIN NANG BUO, PARA SUMAKIT ANG ULO hehehe.

Payo ng Pag-Ibig ni Itay | Fathers' Day Special

Anak:
Tatay inlove na po ako, gusto ko nang pumasok sa isang relasyon…

Tatay:
Anak kailangan mo munang malaman ang iba't ibang klase ng pag-ibig, at tamang gamit nito bago ka pumasok sa isang relasyon

Anak:
Bakit naman po?

Tatay:
Ang pakikipagrelasyon anak ay isang responsibilidad, hindi isang laro, kung may mataas kang pagtingin sa pag-ibig, igagalang mo muna ang sarili mo sa pagpasok sa isang relasyon, hindi pabigla bigla

Anak:
Ang dami namang klase ng pag-ibig tay!

Dahil May Isang Ina

News: Sikat na Scientist nagSuicide

Isang sikat na scientist ang natagpuang duguan at hinihinalang ito ay nagsuicide. Ayon kay SPO4 Martinez, naganap ang pangyayari mismo sa loob ng kaniyang tinitirhang mansyon…

Class Reunion | High School Life

Nagulat na lang ako nang makita kitang nakatitig sa akin, na miss mo siguro ang itsura ko mula nang huli tayong magkita.

Binalewala ko ang mga bagay na 'yon, patuloy akong nagpakabusy sa pagkausap sa mga kaklase natin na matapos ang halos sampung taong hindi pagkikita ay muling magkakasama sa isang simpleng Class Reunion.

Sa Bawat Puting Rosas

Kailangan ba talagang umalis ka? Nena asked with tears in her eyes.

Of course my baby… para sa ating dalawa ito at pagkatapos ko doon, I can select na ng place na pwede akong maging permanent. Tom explained.

Baka makatagpo ka doon ng iba?, Nena asked again.

Of course not my baby, i love you and you alone, paliwanag ni Tom.

Tatlong Araw bago ang Valentine’s Day

Isang gabi habang nagtatapos ng trabaho si Marlon ay may naramdaman siyang kakaibang lamig. Pakiramdam niya ay may ibang tao sa paligid. Bigla niyang naisip na baka may nagbibiro sa kanya sapagkat siya na lang ang natitira sa opisinang nag-oovertime. Huminto siya sa pagtipa ng kanyang keyboard at tumayo, inikot niya ang paligid ng kanilang opisina upang tingnan kung may tao nga, ngunit wala talaga siyang nakita.

Nagbalik siya sa kanyang upuan at patuloy na nagtrabaho, binalewala niya ang naramdaman ngunit bigla na lang namatay ang monitor ng kanyang computer. Dito na tumayo ang kanyang balahibo, dali-dali niyang pinatay ang computer at nagmadaling lumabas ng opisina.

Kailangan Ka Niya

Kailangan Ka Niya - Maikling Kwento

Paunawa: Ang inyong mababasang maikling kwento ay may temang hindi angkop sa pagbabasa ng kabataan, patnubay ng magulang ang kailangan, sandyang ginawa ito ni kiko upang maging halimbawa ng mga pangyayaring minsan sa tingin ng iba ay tama at sa iba naman ay mali, gayunpaman tanging ang Diyos ang siyang manghuhusga sa sangkatauhan.

Minsan Isang Araw | Diary ni Lolo Francisco

Habang naglalakad ako sa may kahabaan ng pasilyo ay may nakasalubong akong isang lalaking may katamtamang taas, nanginginig sa lamig, suot ng kanyang makapal na damit, marahan siyang tumingin sa akin habang kami ay magkasalubong.

Teka pamilyar ang mukha niya sa akin.

Nakalampas na siya sa akin, kaya naman sinundan ko siya ng tingin, ipinikit ko ang aking mga mata, baka sakaling namamalik-mata lang ako, pero totoo ang nakita ko, siya nga iyon.

Habang papalayo siya ay iniisip ko pa rin na minsan kaming nagkausap sa isang lugar.

Ah alam ko na, hindi lang pala minsan kundi makailang beses kaming nagkausap ng lalaking ito.

Oo doon sa may tindahan ng mga isda sa bayan, sa Japan, kasama niya itong aking kaibigan, si Seiko Usui o mas kilala sa tawag na O-Sei-san, mga dalawang taon na ang nakakaraan.

Hindi naman ako masyadong bihasa sa pagsaulo ng mga pangalan ngunit kapag nakita ko na ang isang tao'y madali ko nang napapamilyar siya sa muli naming pagkikita.

Kagaya kanina.

Ahh nagkita nga ulit kami dati.

Sulyap sa Lumipas: Kapayapaan - Maikling Kwento ng Buhay

Bakit ganon? Bakit ang gulo-gulo ng isip ko? Bakit puro palpak ang mga nangyayari? tanong ko sa sarili ko habang naglalakad sa kahabaan ng Niog Road sa Bacoor Cavite...

Hindi maubos ang patak ng luha ko habang naglalakad, bitbit ang dala dala kong bag na ang laman ay puro damit ng aking maybahay, ihahatid ko kasi ito sa Antipolo kung saan siya namamalagi ngayon.

Sakay ng jeep papuntang Baclaran ay sisinghap singhap ako dahil sa impit na hikbi at dalamhati na aking dinaranas, ang apat na anak ko ay nasa DasmariΓ±as naman na alaga ng mag-asawa kong byenan na hindi ko pa nadadalaw ng dalawang araw.

Maikling Kwento ng OFW: Tara Balikan Natin!

Putcha sinong naggupit sa 'yo!? Buhay pa ba!? Tara Balikan natin!

'yan ang mga katagang palaging sinasambit ng malapit mong kaibigan tuwing makikita kang bagong gupit. Gasgas na gasgas na itong linyang ito ngunit nais kong ibahagi sa inyo ang naging karanasan ko noong isang araw na nagpagupit ako.

Katorse

Kuya bilisan mo gumagabi na oh,
teka lang
dali na kuya may date pa ako
oo naaa

Manikurista - Kwentong Chika

D1: Ahahay Madamme, Welcome, Enter the dragon.
Liz: Uhm, pagpapa manicure/ pedicure ako...
D2: Dito ka na Madamme, pssst. D1 samahan mo ako dito para matapos agad...
D1: Sureness.

Dula Daluyan

Ang buod ng dulang inyong matutunghayan ay naisali sa Dula Daluyan nuong 1989 sa Dulaang Raha Sulayman, Fort Santiago, Intramuros Manila. Kami (MHS Batch '91) sa pangunguna ni Ms. Rizalina Cusi (MAPeH Teacher) ay gumanap bilang mga tauhan sa dulang "Isang Araw sa Buhay ni Pedro".

Ako at ang aking matalik na kaibigang Jojo Impimo ang gumawa ng script at sa tulong ni Direk Soxie Topacio, ito ay naging makabuluhan at pinagmulan ng inspirasyon upang magsikap kaming mag-aral.

Sisidlan

Pepe: Ayan, tapos nang magdasal si bosing. Pinatay na ang ilaw, pwede na tayong mag-usap. Kumusta ka na swit?
Swit: Eto sweet pa rin!
CM: Kinda! (Jealous)
Swit: Huu, selos ka lang eh, pa'no bihira kang isama ni bosing kay Pepe, bhe!

Huling Tawag ni Itay

'Nak musta ka na?
Okay lang ako papa, ikaw?