Tula ni Francis Morilao
Larawang kay gandang pagmasdan,
Ikinulong ng kwadradong sisidlan;
Palamuti'y napaliligiran,
Agaw pansin sa tunay na kagandahan.
Larawang kay gandang pagmasdan,
Ikinulong ng kwadradong sisidlan;
Palamuti'y napaliligiran,
Agaw pansin sa tunay na kagandahan.
Sa aking pag-iisa at pangungulila,
Tila kalungkutan'y pang habambuhay na;
Sa bawat malungkot na balita,
Katumbas nito'y patak ng luha.
Parang kailan lang nang una kitang masilayan,
Mata ko'y kumikinang sa nakita kong kariktan.
Pagkakataon ay sinunggaban, pag-ibig mo ay inasam;
Hangarin ko'y hindi nasayang, matamis mong OO'y nakamtam.
Ang tulang inyong mababasa ay mula sa sama-samang isip nila Myles, Omar, Harris at Kiko nang magkita-kita kami sa Villaggio Mall (December 14, 2010 10:00pm) para sa Christmas Photoshoot ng barkada… habang kumakain sa tapat ng Pizza Hut Food Court naisipang gumawa ng tula tungkol sa pag-ibig…
Ang maiksing pinagsamahan hinding hindi malilimutan,
Sapagkat para sa akin isa kang tunay na kaibigan;
Nakilala sa kantahan noong paskong nagdaan,
Inumaga sa kwentuhan hanggang magtabi sa higaan.
Paa ay ihakbang at ako ay samahan,
Tayo nang sumayaw sa buhos ng ulan;
Baywang ay hahawakan at saka iikutan,
Sa pag patak ng ulan indak ay sasabayan.
Hayaan mong ikaw'y hagkan at yakapin sa tag-ulan,
Damhin mo, anong sarap kapag ako'y iyong kayakap;
Ipikit ang iyong mga mata hayaang maglakbay ang 'yong diwa,
Ang pag-ibig ko at pagsinta ginhawa ang 'yong madarama.
Damhin ang pusong mapagmahal,
Isang pag-ibig na walang dangal;
Kasabay ng patak ng ulan,
Dilig sa pusong natuyuan.
Poems Love Notes © 2020 | Back to Top
Disclaimer | Privacy Policy | Contact | About