Salamat Kaibigan

Marami ang nagsasabi,
Kung bakit naging magkaibigan kami;

Sa kasabihang "Same birds, flocks together" na maririnig parati,
Hindi kami swak, ang samahan daw namin ay may sapi.

Nung kami ay nasa hayskul sa Paranaque,
Sa mga gusto't hilig, magkahiwalay na kami;

Ako'y naging aktibo sa mga grupo, doon ay sumali,
At siya'y nag-iintay... naiiwan sa isang tabi.