Ikaw Ang Buhay Ko

ang sabi nila…

Mula nang makilala ka aking sinta,
Buhay ko'y nag-iba, naging masigla;

Binigyan mo ng kulay ang pisngi kong matamlay,
Muling nagkaroon ng pag-asa itong paglalakbay.


Noon akala ko, huminto na ang mundo ko,
Hanggang sa tuluyang tumigas itong aking puso;

Ngunit nang magkakilala tayo't magkatagpo,
Asul kong mundo'y tinanggalan mo ng yelo.

Salamat sa Iyong Respeto

Mahirap magbalatkayong masaya,
Lalo na't hindi ka kapiling sinta;

Sa tuwing gabing nag-iisa,
Mga yakap mo't paglalambing ang nasa isip sa tuwina.

Pilitin ko mang ipikit itong aking mga mata,
Sa diwa ko'y laging nariyan ka;

Alam mo bang miss na miss na kita?
At palaging laman ng panaginip sa tuwina.

Babad

Tulang ito'y aking ginawa,
Alay sa bawat pamilya;

Bagong taon, bagong pag-asa,
Dalangin sa Diyos, na ating Ama.

Nais kong magpakalunod sa Iyong presensya,
Nais kong palakasin itong aking kaluluwa;

Ipagsigawan ang aking nadarama,
Ang pangungulila't pagkabalisa.

Sa Iyong Muling Pagdalaw - Tulang Pasasalamat sa Diyos

Pikit at salop ng hikbing pigil,
Nais kumawala ng damdaming lingid;

Inaasam na Ikaw ay nais makapiling,
Kailan Ka muling dadalaw sa akin?

Awit at papuri'y pumailanglang,
Sa tunog ng trumpeta mula sa kawalan;

Mistulang senyales ng Iyong pagdating,
Patak ng luha'y hinuhugot sa dilim.

Mabuti Ka Aking Ina

Mula sa sinapupunan'y iyong inaruga,
Iningatan ako hanggang sa um-uha;

Sa paglaki ko naging mahigpit ka,
Inilayo ako sa maling barkada.

Mabuhay Ka Aking Guro

Tula sa Guro
ctto GETTY IMAGES

Ikaw'y maituturing na dakila,
OFW ka man o nanatili sa bansa;
Pagmamahal mo at pagkalinga,
Hindi mababayaran ng kahit sinong bata.

Pilipino Ako

Watawat ng Pilipinas

Magiging matatag akong nakatayo at iwawagayway ang bandila ko,
Dahil alam ko sa sarili ko, ako'y isang marangal na Pilipino;
Anuman ang sabihin ng iba, anuman ang kanilang ihusga,
Hinding hindi ko ikahihiya, ang Pilipinas ang aking bansa.

Bihag

Watawat ng Pilipinas

'Sang libong taon na ang lumipas kasarinlang binanggit ng mga pantas,
Nabago na ang saligang batas marami pa ring nakikitang butas.