isang gabi sa piling mo inay

ang isang gabi sa piling mo inay ay isang maikling sanaysay na kung saan, nagkaroon ng pag-uusap ang anak at ina… at naghahamon ng iyong imahinasyon…




kumusta ka na anak?, tanong ni inay, tila parang may pag-aalala ang kanyang tinig habang nakatitig siya sa akin



halos isang taon na rin kaming hindi nagkikita ni inay mula nang ako'y kanyang iniwan at nagpunta sa malayong lugar



anak…



malaki na ang pinayat mo…



huwag mo sanang pabayaan ang iyong kalusugan…



alam ko, na alam mo kung ano ang tamang pagkain at nutrisyon na kailangan ng iyong katawan



anak…



maaaring ito na ang huli kong dalaw sa iyo…



kung anuman ang nilalaman ng iyong damdamin anak…



kung anuman ang bumabagabag sa iyong isip at puso anak…



alam ko, kaya mo 'yan, malaki ang tiwala ko sa iyo anak…



at alam kong malaki ang pananampalataya mo sa DIYOS…



hinding hindi ka NIYA pababayaan anak…



kahit na mawala na sa iyo lahat ng bagay…



kahit na sa iniisip mo ay punong-puno ka ng ng problema



hinding hindi ka pababayaan ng DIYOS anak…



ang biyaya ng DIYOS ay napakaDakila at walang hanggan



at karapatdapat natin SIYANG pasalamatan sa bawat bagong buhay na ibinibigay NIYA sa bawat umaga…



anak, mahal na mahal kita.



hindi dito natatapos ang iyong kapalaran…



bata ka pa anak…



marami ka pang mararanasang masasayang bagay sa buhay…



kaya…



dapat maging masigla ka anak…



maging mapagpasalamat at maging masayahin…



sapagkat nariyan ang DIYOS anak…



na palaging nagbibigay ng iyong mga pangangailangan…



maaaring hindi mo napapansin, ngunit palagi SIYANG nakatingin sa iyo



manalig ka anak…



huwag kang susuko anak…



laban anak…



laban…







inay…



inay…



unti-unting pumatak ang aking luha habang ninanamnam ko ang mga salitang binanggit ni inay…



alam ko, bilang isang ina ay nararamdaman mo ang aking dinadamdam…



mahal na mahal kita inay…



sana hindi pa ito ang huling pagdalaw mo inay…



sana inay…



bumalik ka…



mamaya ulit…

Naipong Tubig sa Lubak Lubak na Daan

lubak

Palagi kong dinadaanan ang kalsadang 'yon tuwing ako ay papasok patungo sa aking opisina hanggang sa isang araw, isang napakalakas na ulan ang dumating na naging dahilan ng pagkasira ng kalsada at magkaroon ng lubak lubak at mga naipong tubig.

Kinabukasan, sinubukan kong daanan muli ito, at mabilis naman akong nakadaan sa tulong ng aking 6 na buwang kotseng hinuhulugan.

Dumating ang isang araw na coding ang aking sasakyan at kailangan kong maglakad papunta sa hintayan ng taxi sa may labasan at ang tanging daan na dapat kong daanan ay ang kalsadang may lubak lubak.

Sa malayong tanaw ay tila hindi ko kakayaning daanan ang lubak lubak na daan ngunit nilakasan ko pa rin ang loob ko at binagtas ang kalsadang 'yon.

Habang naglalakad ay aninag ko ang Kalangitan sa bawat naipong tubig sa lubak, ito ang nagbigay sa akin ng Inspirasyon para patuloy na lumakad sa daang malubak sapagkat nariyan ang Langit na parating nakatingin sa atin at nagpapatunay sa tuwing uulan at may maiipon na tubig sa lubak, aninag ang Kanyang pangakong Hindi Niya tayo iiwan sa bawat araw ng ating buhay, maging ito man ay tuwid, panatag, o lubak lubak.

7:07 a.m. Doha Qatar

sayang | maikling sanaysay

kapag umalis ang kaibigan mo at feeling mo iniwan ka sa ere, tanungin mo muna kung ano ang problema bago ka manghusga, kasi baka hindi siya ang taong dapat mong makasama, o kaya naman hindi magiging epektibo ang plano ninyong gagawin kung kayo ang magkasama, o baka may mas malalim na problema na dapat ikaw na mismong kaibigan niya ang unang unang dapat na umintindi at umunawa, na nariyan para maging sandigan niya,…

nakakapanghinayang ang pagkakaibigan kung sa mga bagay na pwede namang pag-usapan ay nauuwi sa siraan at traydoran at minsan pa, hahantong sa kahihiyan na hanggang sa mawasak ang pagkatao, mandamay ng ibang tao, para sa ano? para saan? wala lang? trip lang?

sayang…

Mahal na Mahal Kita, Tandaan Mo Sana

You will never know TRUE HAPPINESS until you have truly LOVED, and you will never understand what PAIN really is until you have LOST it.

You will never know TRUE HAPPINESS until you have truly LOVED, and you will never understand what PAIN really is until you have LOST it.

Hindi mo raw malalaman ang TUNAY na KALIGAYAHAN hanggang hindi ka UMIIBIG at hindi mo mauunawaan ang tunay na SAKIT kapag ang sinasabi mong MAHAL MO ay nawala sa IYO.

Kaya ngayon kaibigan, mag-isip isip ka, sino ba talaga ang TUNAY MONG MAHAL?

Sino ba talaga ang dapat mong MAHALIN ng LUBUSAN?

Marami ang nagmaMAHAL ng hindi iisa lang, hindi lang dalawa, minsan tatlo pa.

pero…

Kwentuhan sa Tren | Maikling Sanaysay

Suwail na Anak sa Araw ng mga Ina

Ang Buhay at ang Pag-ibig

Minsan ang buhay ay parang isang taong naglalakad sa dalampasigan, nabibilad ang balat sa init ng araw at nakakaramdam ng init mula sa talampakan, sa haba nitong kanyang nilalakad, tila walang patutunguhan, tanging ang nagsisilbing gabay ay ang karagatan, karagatang nagluwal sa kanya mula sa kawalan, hindi alam kung saang dako ang pinagmulan.

si Juan Tamad at ang mga Nilalakong Paninda

It's more fun in the Philippines! At ang mga kathang isip at kwento ni kiko ay nakikibahagi sa kampanya ng Department of Tourism (DOT) sa bago nitong slogan. At ito ang pangalawang pakikisaya.