Sa Pusod Mo Aking Ina

Unang tibok, unang pintig,
Nagmula sa iyong walang bahid;
Hindi inalintana kung gaano kasakit,
Mailabas lang ako malakas man ang iyong impit.

Inalagaan mo bawat saglit,
Hanggang sa marining itong munting tinig;
Sa pagtulog ko ikaw'y nakatitig,
Sa mga pisngi kong pagka-li-liit.

Dakila Ka Aking Ina

Bakit ba hanggang ngayo'y wala ka pa?
Sabi mo'y sandali lang, ngunit mag-iisang taon na;
Sa langit, panay nakatingala,
Nag-aabang at nakatunganga.