Tula ni Francis Morilao
Kaytagal kitang inantay ligaya ng aking buhay,
Ulan na makapagbibigay sigla sa pusong nalulumbay.
Sana ikaw'y manatili kapiling sa bawat sandali.
Kaytagal kitang inantay ligaya ng aking buhay,
Ulan na makapagbibigay sigla sa pusong nalulumbay.
Sana ikaw'y manatili kapiling sa bawat sandali.
Nakatingin sa malawak na bukirin,
Malalim ang kanyang isipin;
Ulan kailan ka darating?
Diligin mo ang tuyong damdamin.
Paa ay ihakbang at ako ay samahan,
Tayo nang sumayaw sa buhos ng ulan;
Baywang ay hahawakan at saka iikutan,
Sa pag patak ng ulan indak ay sasabayan.
Hayaan mong ikaw'y hagkan at yakapin sa tag-ulan,
Damhin mo, anong sarap kapag ako'y iyong kayakap;
Ipikit ang iyong mga mata hayaang maglakbay ang 'yong diwa,
Ang pag-ibig ko at pagsinta ginhawa ang 'yong madarama.
Damhin ang pusong mapagmahal,
Isang pag-ibig na walang dangal;
Kasabay ng patak ng ulan,
Dilig sa pusong natuyuan.
Tuwing umuulan ikaw ay papayungan,
Kamay ay hahawakan saka aakbayan;
Pagdating sa kanto ay lilipat ng pwesto,
Kabilang kamay naman ang hahawakan ko.
Poems Love Notes © 2020 | Back to Top
Disclaimer | Privacy Policy | Contact | About