Ang Langgam sa Makabagong Kabataan

Atin ngang balikan ang ginawa kong tula tungkol sa langgam,
Ngunit sa pagdaan ng panahon mayroon akong natuklasan;

Mahigit siyam na taon na nga ang nakararaan,
Mukhang may kulang ang ikinuwento ni lola sa kanilang kasipagan.

Kung ating ngang pagbubulay bulayan,
Tunay nga ang kanilang kasipagan;

Wala naman talagang dapat pagtalunan,
Ngunit may isa yatang nakalimutan.

Kailan Kita Maaangkin?

Limang buwan ang nakaraan nang tayo'y huling magniig,
Hinding-hindi ko malilimutan ang aking sobrang kilig;

Kaya itong damdamin ay tunay na sa iyo'y naantig,
At itong puso ko sa iyo ay nagsimulang umibig.

Sa aking isipan ay gumawa ng mga tamang paraan,
Mga pinaplanong gawin kung paano, kailan at saan;

Pa'no ka maaangkin na hindi kailangang magtanan,
Diskarte na matino na hindi katulad ng iba dyan.

Kapalaran sa Gitna ng Hamog

Nang ang ulap ay bumaba sa lupa,
Naging hamog na ating inaakala;

Halik na may kasamang luha,
Pagmamahal ng Diyos na may pagpapala.

Habang naglalakad sa mahamog na daan,
Muling nagbabalik alaala ng nakaraan;

Ang diwa tila nasilaw sa kalabuan,
Ng hamog na aking nilalakaran.

Sa Paghilum ng Sugat ni Eba't Adan

Babaeng kinuha sa kanyang tadyang,
Nagbigay ng sugat sa lalaking nilalang;

Walang malay sa kanyang himbing,
Aliwalas na bungad sa kanyang pagkagising.

Mga mata nila'y nagkatitigan,
Lubhang namangha sa kanyang kahubaran;

Sino itong hubad na katotohanan?
Na mapungay ang mata sa kanyang harapan.

Ako si Eba