Tula ni Francis Morilao
Hindi ko maisip ang buhay kung Pag-ibig mo'y wala,
Tuwing nagmamaktol, nag ngangawa;
Iaabot ang iyong kamay nang may pang-unawa,
Yayakapin ng mahigpit mong pagkalinga.
Makailang ulit mang malunod sa panaginip,
Sa tuwing ako'y hihinga sa isip;
Muling titibok ang pusong naiinip,
'Pagdilat ko'y yakap mong mahigpit.