Pilipino Ako

Kaugnay sa nangyaring hostage tragedy sa Luneta, kaming mga OFW ay lubhang nabahala at naapektuhan.

Tula na aking paninindigan: Pilipino Ako. Ako’y lubos na nakikiramay sa kamag-anak ng nasawing mga Chinese national. Kami man ay naapektuhan lalung lalo na ang mga kababayan ko sa Hong Kong.
Watawat ng Pilipinas

Tula

Magiging matatag akong nakatayo at iwawagayway ang bandila ko,
Dahil alam ko sa sarili ko, ako'y isang marangal na Pilipino;
Anuman ang sabihin ng iba, anuman ang kanilang ihusga,
Hinding hindi ko ikahihiya, ang Pilipinas ang aking bansa.

Kung ikaw ay tunay na Pilipino dapat na ipanalangin mo,
Ang bansang pinagmulan mo sa panahong may pagkakagulo;
Nagkamali man ang iilan sa kanilang padalos dalos na paraan,
Hindi ito ang basehan upang pagka Pilipino ay talikuran.

Kahit ibang bansa'y tayo'y pinagtatawanan,
Dapat pa rin na tayo'y magtulungan.

Ano ang mararating kung tayo'y watak-watak?
Adhikain ay makakamit kapag tayo'y matatag.

Bakit ka panghihinaan ng loob sa mga ganitong pagsubok?
Kung hindi ka naman kasangkot sa kanilang mga sigalot;
Manahimik ka na lang at ikaw'y manindigan,
Kaysa sasabihin mo'y walang katuturan...
Isa lamang kasiraan sa Iyong Inang Bayan.

Tunay ka bang may alam o nagdudunung-dunungan?
Sa dami ng iyong kadaingan pulos pansariling kapakanan;
Imbes na manalangin kung sinu-sino ang sisisihin,
Ako sana'y iyong dinggin sarili mo ay saliksikin.

Pilipino ka bang maituturing?

GMA News Online Pinoy Abroad Kwentong Kapuso

PATNUBAY Online