Tula
Tinawag ng Panginoon ang iyong pangalan…
- Jer. 11:16
…at mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga Banal na kasulatan…
- 2 Tim. 3:15
Hanggang saan, hanggang kailan?
Tanong ng pilosopo sa tambayan;
Sa tuwing ikaw ay nagdaraan,
Lihim ka nilang pinagtatawanan.
Iniwan mo ang iyong trabaho,
Sa
Buhay mo ay biglang nagbago,
Mabigat na desisyon ang niyakap mo.
Hanggang saan, hanggang kailan?
Pananampalataya mong pinanindigan.
Personal mong buhay ay hindi inalintana,
Mapangalagaan lamang, kaming mga tupa;
Dahil kami'y itinuring mo nang pamilya,
Kasama sa dasal pagkagising sa umaga.
Hanggang saan, hanggang kailan?
Ang lakas mong ispirituwal.
Sa bawat sermon mo sa pulpito,
Ilang kaluluwa ang minulat mo;
Sa pagkaunawa sa Ebanghelyo,
Na simula ng ispirituwal na pagbabago.
Pagpapalang nagmumula sa Kanya,
Dumadaloy sa iyong mga salita;
Na kahit mayaman o aba,
Ay gumiginhawa ang kaluluwa.
At sa panahong ikaw'y nanghihina,
Pilit mo pa ring itinatago sa madla;
Dahil ikaw ang kalakasan nila,
'Pagkat para sa kanila ay huwaran ka.
Hanggang saan, hanggang kailan?
Tanong kong iiwanan,
Kung ikaw ngayon ay pinanghihinaan;
Nawa ang tula kong ito'y iyong maging kalakasan.
Ang tulang ito ay alay ko sa mga Pastor na naging bahagi ng aking buhay
• Pastor
• Pastor
• Pastor
• Pastor
• Pastor
• Pastor
at mga Pastor na pinakilala sa akin ni Ate
at Sina
sa pagdiriwang ng
at sa aking pinsan na
GET DETOXED BY JESUS!
By: Pastor Ed Lapiz
Day By Day Christian Ministries
Bulwagan ng Panginoon Folk Arts Theater,
Cultural Center of the Philippines Complex, Pasay