Maling Pag-ibig: Tula ng Puso na Hindi Makalimutan
>Wala Naman Talaga: Tula ng Pag-ibig na Walang Salita
Tula
Sa mundong puno ng ingay at mabilis na pag-ikot, minsan ay natututong manahimik ang puso kapag tunay na nahahawakan ng pag-ibig. Ang tula na ito ay paalala na may mga bagay na hindi kayang ipaliwanag ng salita — at iyon mismo ang pinakamalalim na katotohanan ng pagmamahal.
Salamin Poem 2026: Filipino Mirror of Love, Long-Distance & Video Calls | Full Text + Analysis + Study Guide
Tula
Isang Gabi | Buong Tula + Translation + Analysis
Tula
Tiwala, Pagmamahal at Tadhana Ligaya't Pag-ibig Ko'y Ikaw
Tula
Sa buhay natin ay mararanasan,
Pagmamahal na hindi pangkaraniwan;
Handang ibigay ang lahat ng kailangan,
Upang tunay na pag-ibig ay mapatunayan.
Sa iba'y materyal na bagay,
Sa iba nama'y panibagong buhay;
Buhay na binago ng pag-ibig na tunay,
Na siyang inspirasyon at nagsisilbing gabay.
Kaakibat ng pagmamahal ay tiwala,
Tiwalang ibinibigay nang kusa;
Maging ano at sino ka man,
Tiwala'y nagpapatibay ng pagmamahalan.
Hampas ng Alon
Tula
Sa pagkakaupo sa may pampang,
Nakatingin sa malayong tanaw ang dalampasigan;
May kung anong hinahagilap sa kawalan,
Pagkurap ng mga mata'y sadyang mabibilang.
Dagling pagyuko'y nakapagbigay ng luwang,
Sa buntong hininga na pumailanglang;
At sa alon naibaling ang tingin,
Saka bibigyang laya ang mga isipin.
Hampas ng alon naman ay binibilang,
Sa kumpas nito'y tila may pag-aalinlangan;
Sa hindi maipaliwanag na nararamdaman,
Isipan ay namulat sa mga katanungan.
Patuloy Kitang Iibigin
Tula
Puso ko'y anong saya,
Nang sa buhay ko'y dumating ka;
Pagmamahal mong kakaiba,
Di na magawang humanap pa ng iba.
Sa aking paggising sa umaga,
Almusal ko'y nakahanda na;
May yakap at halik pang kasama,
Nakapagpapaligaya sa akin tuwina.
At sa gabi bago mahimbing,
Isang oras na paglalambing;
Sobrang saya sa 'yong piling,
Wala na akong mahihiling.
Nilunod ng Pag-Ibig Mo
Tula
Hindi ko maisip ang buhay kung Pag-ibig mo'y wala,
Tuwing nagmamaktol, nag ngangawa;
Iaabot ang iyong kamay nang may pang-unawa,
Yayakapin ng mahigpit mong pagkalinga.
Makailang ulit mang malunod sa panaginip,
Sa tuwing ako'y hihinga sa isip;
Muling titibok ang pusong naiinip,
'Pagdilat ko'y yakap mong mahigpit.
Alab - Tula ng Pag-ibig
Tula
Pusong minsang naging sugatan,
Sakit at dusang minsang naramdaman;
Pilit ginugustong kalimutan,
Upang bagong pag-ibig ay mapagbigyan.
Sa bawat titig na may kasamang nasa,
Pilantik nitong dala ng kanyang mga mata;
Sa saliw ng indak ng kanyang romansa,
Nais kumawala, nais nang lumaya.
Adik sa 'yo ♥ Hinahanap-hanap Kita
Tula
Alam mo bang mula nang makilala kita,
Mundo ko ay pinuno mo ng saya?
Diwa ko'y binusog mo ng pag-aaruga
at Puso ko'y binigyan mo ng halaga.
Dati ang puso kong tanging dahilan ay tumibok para mabuhay,
Ngunit nang dumating ka'y, nagkaroon ito ng bagong kulay,
Ngayon siya'y tumitibok sa pagmamahal na tanging sa iyo ay alay.
Tula: Hawlang Bakal ng Pagmamahal
Tula
Marami ang sumubok na magmahal,
Marami ang puso ay isinugal;
Sila na sa Diyos ay nagdarasal,
Dumating nawa sa akin ang Tunay na magmamahal.
Ngunit ang iba ay nabigla,
Ang Pag-ibig ay madaling nakuha;
Sasabihing hindi sinasadyang,
Umibig ako sa iyong magandang mukha.
Pag-ibig na Puro Simula | Tula para sa Iniiwan
Tula
Itong tula ay alay ko kay Anonymous na humingi ng isang tula para sa kanya na palaging iniiwan
Istorya ng pag-ibig ko'y talaga yatang ganito,
Nasanay na sa mga pagmamahalang bigo;
Kahit anong pilit kong baguhin,
Iyon at iyon pa rin ang ending.
Ako nga ang palaging iniiwan,
Pag-ibig ko raw ay walang patutunguhan;
Wala akong karapatan sa kaligayahan,
Pag-ibig na puro sa simula lamang.