Sa Pusod Mo Aking Ina

Unang tibok, unang pintig,
Nagmula sa iyong walang bahid;
Hindi inalintana kung gaano kasakit,
Mailabas lang ako malakas man ang iyong impit.

Sa Pusod Mo Aking Ina
Inalagaan mo bawat saglit,
Hanggang sa marining itong munting tinig;
Sa pagtulog ko ikaw'y nakatitig,
Sa mga pisngi kong pagka-li-liit.

Gatas na sa iyo nagmula,
Sa akin ay lubusang nagpasigla;
Hanggang sa ako ay magsalita,
Panay ang halik mo sa pisngi kong mapula.

Ulo ko ay inalagaan mo sa hilot,
Upang sa paglaki ko ay tunay na mamilog;
Sa aking pagligo hindi mo iniwanan,
Isusuot ang barubaruan.

Ibabandila ang iyong pinagtiyagaang,
Binurda ang aking pangalan.

Nang ako ay unang humakbang,
Larawan ko ay ipinangalandakan;
Binanggit sa aking mga pinsan,
Kaya naman ako'y kanilang kinagiliwan.

Sa tuwing ulan ay papatak,
Naisip ko nuong ako'y umiiyak;
Hindi ka mapakali sa aking pag-iyak;
Kakargahin ako buong magdamag.

Taun-taon ginugunita kung gaano ka kadakila,
Maubos man ang lahat ng salita;
Pati na ang aking mga luha hindi ko pa rin maikakaila;
Sa pusod mo ako unang huminga.

Salamat sa iyo aking ina,
Sapagkat ako'y pinalaki mo na may disiplina;
Kahit saang lupalop ako magpunta,
Nasa puso't isip ko ang iyong pagkalinga.

Ngayong malabo na ang iyong mga mata,
Mga letra ng tula ko'y hindi mo na makita;
Inay, huwag kang mag-alala,
Nandyan ang apo ninyo at siya ang babasa.

Inay mahal na mahal kita.

Paano kita mapasasalamatan? - Sarah Geronimo


Paano kita mapasasalamatan?
Sa puso mong sa 'kin ibinigay
Ngayon lamang ako nag mahal ng tunay
Sa tanang aking buhay

Sapat na ba, ang ako'y mangako?
Mananatili ka dito sa 'king puso
Paano kita mapasasalamatan?
Sapat na bang mahalin lang kita?
Mag pakailan pa man

Ngayon lamang ako nag mahal ng tunay
Sa tanang aking buhay
Sapat na ba, ang ako'y mangako?
Mananatili ka dito sa aking puso

Paano kita mapasasalamatan?
Sapat na bang mahalin lang kita?

Sapat nabang mahalin lang kita
Sapat nabang mahalin lang kita
Sapat nabang mahalin lang kita
Sapat nabang mahalin lang kita

Magpakailan man