Maikling Kwento
Isang gabi habang nagtatapos ng trabaho si Marlon ay may naramdaman siyang kakaibang lamig. Pakiramdam niya ay may ibang tao sa paligid. Bigla niyang naisip na baka may nagbibiro sa kanya sapagkat siya na lang ang natitira sa opisinang nag-oovertime. Huminto siya sa pagtipa ng kanyang keyboard at tumayo, inikot niya ang paligid ng kanilang opisina upang tingnan kung may tao nga, ngunit wala talaga siyang nakita.
Nagbalik siya sa kanyang upuan at patuloy na nagtrabaho, binalewala niya ang naramdaman ngunit bigla na lang namatay ang monitor ng kanyang computer. Dito na tumayo ang kanyang balahibo, dali-dali niyang pinatay ang computer at nagmadaling lumabas ng opisina.
Bahala na kung hindi ko matapos ang project, hindi ko kayang mag-stay pa,sabi na lang ni Marlon habang sinasara ang pinto ng opisina.
Pagdating niya ng gate ay nakapagtatakang hindi niya maisara ito, kung anong gaan nito kanina noong lumabas siya, ngayon sobrang bigat, parang may humahawak dito.
Juice ko!,sigaw ni Marlon.
Bigla na lang may tumapik sa kanyang likuran at paglingon niya ay isang matandang lalaki na noon nya lang nakita. Tila napako na siya sa kanyang kinatatayuan, hindi na siya nakapagsalita.
Mukha namang mabait ang itsura ng matanda kaya kahit papaano ay nahimasmasan siya.
Si-sino po kayo? Ba-bakit kayo nandito?tanong ni Marlon sa matanda.
Nanatiling nakatitig sa kanya ang matanda, tila hindi siya naintindihan. Bigla na lang iniwan ni Marlon ang matanda sa pag-aakalang may masamang gagawin ito sa kanya. Binilisan niya ang lakad papunta sa sakayan ng bus.
Ayun, madami nang tao doon, hay salamat,buntong hininga ni Marlon.
Ngunit pagdating niya sa antayan ng bus, nandoon na ang matanda at nakatingin sa kanya.
Hindi totoo ito,sabi niya sa sarili.
Mabuti naman at dumating na agad ang bus at patakbo siyang sumakay, hindi na niya nilingon ang matanda.
Umupo siya sa bandang gitna ng bus at hindi pansin ang katabi. Ngunit parang naaasiwa siya sa katabi niya, parang kanina pa sa kanya nakatingin, bigla niya itong nilingon at bumulaga sa kanya ang matandang kanina pa nagpapakita sa kanya, gustuhin man niyang tumayo ay hawak na ng matanda ang kanyang kamay, tila may nais sabihin ang matanda.
Ano!?sigaw ni Marlon sa matanda, Kanina ka pa ah!?,
Nagtinginan ang mga pasahero ng bus kay Marlon, nahiwagaan sa kanya sapagkat wala naman silang nakikitang kausap nito.
Ngunit si Marlon ay nakatali sa pagkakahawak ng matanda at unti unti nitong inilapit ang kanyang mukha kay Marlon.
Huh!?biglang naalimpungatan si Marlon. Diyos ko, salamat po, buti na lang at panaginip lang.
Anong sabi mo!?tanong ni Cynthia, asawa ni Marlon.
Nanaginip ako dear, nag-overtime daw ako tapos nagpakita sa akin ang isang matanda at sinundan ako hanggang sa bus pag-uwi ko, nang akmang ilalapit niya ang mukha sa akin doon na ako nagising.
Asus, baka naman may ibubulong lang sa'yo,pabirong sabi ni Cynthia para makalma ang asawa .
Pero parang totoong totoo ang panaginip ko dear,pagpupumilit ni Marlon.
Sino ba ‘yan? madaling araw na eh may tumatawag pa,tanong ni Marlon.
Hello!?ani Cynthia
Ate, si Carol ito, si Nestor binangungot kanina, takot na takot, may nagpakita daw na matanda sa kanya sa panaginip at sinundan daw siya nito hanggang sa pag-uwi pagkagaling ng opisina.
Ano kamo!? Eh ‘yan din ang panaginip ng kuya Marlon mo ngayon lang, pagpapaliwanag ni Cynthia.
Nagising na lang daw si Nestor nang inilapit ng matanda ang mukha nito sa kanya,sabi ni Carol.
Hala!! Ganyan din ang kwento ng kuya Marlon mo, sabi ni Cynthia.
Anong gagawin natin ate!? Baka may gustong sabihin ang matanda sa panaginip?tanong ni Carol.
Matulog na muna kayo, bukas pupunta kami dyan para pag-usapan natin, wika ni Cynthia.
UNANG ARAW
Kinabukasan, nagpunta ang mag-asawang Marlon at Cynthia sa bahay nina Carol at Nestor at nagpalitan ng kwento ang mag-bilas. Halos parehas ang itsura ng matandang nagpakita sa kanila sa panaginip.
Eh baka naman may naagrabyado kayong tao, tanong ni Cynthia.
Wala noh, mabait kaya kami, sabay sabi ng dalawang lalaki.
Eh bakit naman magpapakita sa inyong panaginip ang matandang ‘yun at sabay pa!?tanong ni Carol.
Aba malay ko, sagot ni Nestor.
Tao po!?
May tao sa labas, sabi ni Nestor.
Sino po ‘yan!?Binuksan ang pinto.
Dito po ba nakatira si Cynthia o Carol Cervantes?tanong ng lalaki.
Oo dito nga po, sagot ni Carol, bakit po!?
May notice po galing munisipyo, may naghahanap po ng Cynthia o Carol Cervantes, may nakakaalam daw po kung nasaan ang mga magulang ninyo.
Ano!? Ate ano daw!?pagkagulat ni Carol.
Mamang ano, ulila na po kami, kaming magkapatid ay galing ng kumbento, nakapagtapos ng pag-aaral at ngayon ay may mga asawa na, tapos bigla may darating na balitang may magulang kami!?
Napag-utusan lang po ako, sana ay makapunta kayo sa munisipyo, salamat po, paliwanag ng lalaki at umalis na.
Bakit hindi natin subukang puntahan ang munisipyo para malaman natin ang tunay na balita, aya ni Marlon.
Teka, maggagayak lang ako kuya, sagot ni Carol.
SA MUNISIPYO
Cynthia, Carol Cervantes!?tanong ng may katamtamang taas na babae.
Ako po si Cynthia, siya po si Carol, may pumunta po sa bahay at sinabing may nagsabi daw dito sa munisipyo kung nasaan ang mga magulang namin.
Oo, ang iyong ina ay nasa mental hospital, at araw at oras na lang ang inaantay, paliwanang ng babae.
Saang lugar po 'yan at pupuntahan namin?tanong ni Marlon.
Teka po ma'am, eh 'yung tatay namin nasaan daw po!?tanong naman ni Carol.
Matagal nang patay ang inyong ama, siya si Cesar Cervantes, namatay siya noong ipinapanganak kayo ng nanay mo dahil nasiraan din siya ng bait noong nabuntis ang nanay ninyo sa inyo.
Salamat po ma'am, tutuloy na po kami, paalam ng apat.
Habang sakay ng kotse ay hindi maalis sa isip si Marlon ang tanong kung ano ang dahilan kung bakit nasiraan ng bait ang tatay ng asawa niya at ni Carol noong pinagbubuntis sila.
Ano nga kaya ang dahilan ng pagkamatay ng tatay ninyo ano!?tanong ni Marlon.
Hay naku, sagot ni Cynthia, nasiraan ng bait ‘yun kasi hindi nya siguro matanggap na kambal ang anak niya.
Grabe ka naman ate, baka naman hindi ganon, pagtatanggol ni Carol.
Alam nyo, malalaman natin ang sagot sa nanay ninyo, siguro naman makakausap nyo pa ‘yun, bilisan na lang natin at baka hindi na natin maabutan, paliwanag ni Nestor.
SA MENTAL HOSPITAL
Doc, pwede ho ba naming makausap ang pasyente sa loob!?tanong ni Cynthia.
Naku gabi na po, ma'am, tapos na po ang oras ng dalaw, balik na lang po kayo bukas, pagtanggi ng doktor.
Eh ako po si Cynthia, siya po ang kapatid ko si Carol at mga asawa namin, sabi po kasi sa munisipyo namin ay oras na lang ang inaantay ng nanay namin, baka po sana kahit papaano ay makausap namin siya, alam nyo po, ngayon pa lang namin siya makikita, lumaki po kami sa kumbento ng walang kinikilalang magulang, pakiusap ni Cynthia.
Ipagpaumanhin po ninyo Mrs. Cynthia, sumusunod lang po ako sa patakaran ng hospital na ito, maayos naman po ang lagay ng inyong nanay, maaari po kayong bumalik bukas ng umaga, sana po maintindihan ninyo ako.
Pasensya na po doktor, babalik na lang po kami bukas, sabi ni Marlon.
HABANG PAPAUWI
Sa bahay na muna kayo matulog ate, para bukas na bukas ay maaga tayong bumalik sa hospital, anyaya ni Carol.
Ok lang sa akin dear, tama si Carol, mag half day na lang ako, sambit ni Marlon.
IKALAWANG ARAW
KINABUKASAN SA MENTAL HOSPITAL
Cecilia, cecilia, may bisita ka, sila daw ang iyong kambal na anak, sambit ng nurse.
Maya-maya pa ay tumulo na ang luha ni Cecilia, kahit na sa isang direksyon lang ang tingin ng matandang babae, lumapit sa harapan niya sina Cynthia at Carol.
Nanay, tahan ka na, ‘wag ka nang umiyak, nandito na kaming mga anak mo, alam naming matagal mo nang inaantay ang pagkakataong ito na magkita-kita tayo diba?yumakap ang dalawang anak sa ina.
Nangilid na rin ang luha ng kanilang asawa.
Nay sana po magpagaling kayo, sana po makita pa po ninyo ang magiging apo ninyo sa amin, sabi ni Cynthia.
Oo 'nay, buntis po kami ni ate, at sabay pa hehehe.
BUNTIS!?sigaw ng kanilang baliw na ina.
KAYO(tumingin sa dalawang lalaki, asawa ng kambal) HUWAG KAYONG MATUTULOG, HUWAG KAYONG MATUTULOG, MABABALIW KAYO, MABABALIW KAYO KAGAYA NI CESAR, SI CESAR, HUHUHU, CESAR, PINATAY SIYA NG MATANDA, PINATAY SIYA NG MATANDA.
Huh!? bakit po nanay, sino ba ang matanda? Kilala ba ninyo siya?tanong ni Cynthia.
SIYA SI VALENTIN, SI-SIYA, SIYA ANG NAGPAPAKITA SA PANAGINIP, SA, SA MGA ASAWA NG NAGBUBUNTIS OO NAGBUBUNTIS, SINISIRA NIYA ANG ISIP NG LALAKI PARA MAGPAKAMATAY, PARA WALANG MABUONG PAMILYA. GANYAN ANG NANGYARI KAY CESAR, KAYA NANG IPINANGANAK KO KAYO, SINABI KONG DALHIN KAYO SA KUMBENTO PARA LAYUAN KAYO NI VALENTIN.
Nanay, hindi po mangyayari sa amin 'yan, pagtanggi ni Marlon. Nagmamahalan po kami ni Cynthia, at alam ko pong nagmamahalan din sina Carol at Nestor. Kung ano man ang ipinagbubuntis nila ay kagustuhan namin, hindi dahil sa tawag lang ng laman, hindi dahil napasubo lang kaya itinuloy ang pagbubuntis, kundi dahil mahal namin ang isa't isa at nagdesisyon kaming gumawa ng isang masayang pamilya, kaya walang karapatang sirain ng Valentin na 'yan ang sinumpaan namin sa Diyos. Totoo napanaginipan namin siya ngunit, hanggang panaginip lang siya, kahit kailan ay hindi siya magwawagi sa totoong buhay. Sinira na ng Valentin na 'yan ang iyong pag-iisip nanay Cecilia, pero kung malalabanan mo ay gagaling ka, at magiging masaya kasama ang iyong kambal na anak at magiging mga apo, pangangatuwiran ni Marlon.
Tama si Marlon, nanay, huwag kang magpasakop sa isip, sa Valentin na 'yan. Magpagaling ka at palagi ka naming dadalawin dito, paliwanag ni Cynthia. Sige po nanay, alis na kami, may pasok pa sina Marlon at Nestor. Babalikan ka namin at paggaling mo uuwi na tayo sa bahay.
Yumakap sila sa ina at nagpaalam ng umuwi. Sakay ng kotse ni Nestor ay parang bigla na lang lumamig ang kanyang pakiramdam at nasira ang makina nito, nagulat sina Carol, Cynthia at Marlon.
Naku, i-park mo na lang dyan at magtaxi na tayo, baka malate pa kayo sa trabaho nyo, half day na nga late pa, pagpupumilit ni Carol.
Ayun, Taxi!
Sakay ng taxi ang apat, si Marlon ay tumabi sa driver at paglingon niya, si Valentin, ang matandang nagpakita sa kanya sa panaginip, pinilit niyang buksan ang pinto at nagsisigaw na BUMABA KAYO!!!, ngunit hindi na sila makalabas, tanging ang halakhak ni Valentin ang pumailanglang…
Anu ba 'yan ang pangit naman ng ending, akala ko ok na sina Cynthia at Carol!sambit ni Joanne, tara na nga uwi na tayo Marco, nagbukas na ng ilaw ang sinehan, bilisan mo, dali, kabwisit naman 'tong pinanood natin, ang mahal mahal pa ng sine, akala ko maganda ang ending.
Relax ka lang, mas magiging maganda ang ending ng date natin ngayong Valentine's kung pupunta tayo doon, sabay ngiting aso ni Marco.
Ano ka!? Hindi mo ba napakinggan ang sinabi ni Marlon kanina? Ang pagbubuntis ay desisyon ng nagmamahalan, hindi dahil sa tawag ng laman, hindi dahil napasubo lang kaya itinuloy ang pagbubuntis, alam mo, kung mahal mo ako, rerespetuhin mo ang desisyon ko. Tara, kain na lang tayo tapos bonding tayo sa bahay, kasama parents ko, pag-aaya ni Joanne
Malas naman akala ko makaka score na ako…panghihinayang ni Marco.
Oh!, my love, patayin mo na 'yan ilang beses mo na bang paulit ulit na pinapanood 'yang DVD na ‘yan ha!?
Ito naman, pagmamaktol ni Cecilia, pinaglilihihan ko kasi ang itsura ng kambal, ang gaganda kasi nila, mga angel sa kaputian. Sana ganyan din kagaganda ang magiging anak natin, tutal Cecilia din naman ang pangalan ng nanay nila sa story.
Hay naku, favorite movie kaya 'yan ni papa, tara na, tulog na tayo, maaga pa tayong dadalaw kay papa sa Tagaytay para ibalita nating buntis ka, birthday niya bukas baka nakakalimutan mo, paalala ni Carlito.
Ay oo nga pala Valentine's Day pala bukas, at sa wakas magkikita din kami ng papa mo, kaya pala ang bantut ng pangalan ng tatay mo hehehe. Bukas na kita babatiin my love. Good Night.
IKATLONG ARAW
KINABUKASAN SA TAGAYTAY
Papa Happy Valentine's Day at Happy Birthday, si Cecilia po ang asawa ko, at naku, papa magkakaapo ka na at kambal pa.
Oh talaga!?sabay harap sa mag-asawa.
Hayyyyy
Oh bakit anong nangyari?tanong ni Valentin, tara Carlito dalhin natin siya sa hospital.
SA HOSPITAL
Doc kumusta ang asawa ko? Ang mga bata?pag-aalalang tanong ni Carlito.
Maayos naman ang mga bata, pati na rin si Cecilia, kailangan nya lang ng pahinga, baka napagod siya, paliwanag ng doktor.
Nang magkamalay si Cecilia.
My love kumusta ka na?tanong ni Carlito.
Ok na, natakot ako, kamukha ni papa si Valentin sa pelikulang pinapanood ko palagi, sagot ni Cecilia .
Eh diba nga si papa nga un, siya si Valentin sa pelikula, hindi na nasundan 'yun kasi kinuha na siya sa amerika ng manager nya para mag-perform sa stage, kasi maganda ang pagganap niya, nanalo kaya siya ng Best Supporting Actor dyan sa pelikulang yan.