Dakila Ka Aking Ina: Tula ng OFW Inang Dakila
Kabataan sa Panahon ng Digmaan
Tula
Noong 2011, isinulat ko ang tulang ito bilang paglalarawan ng tunay na kawalang-malay at pag-asa ng mga bata sa gitna ng digmaan. Ngayong 2026, habang patuloy ang mga tunay na digmaan sa mundo at ang “digmaan” ng opinyon sa social media, muling ibinabahagi ko ito kasama ang buong English translation, detalyadong linya-linya na pagsusuri, at handa nang gamitin na Study Guide para sa mga guro at estudyante. Alamin kung bakit hindi kailanman nawawala ang halaga ng kabataan bilang liwanag sa dilim.
The Passion of Falling in Love Again and Again
Poem
When I was a child,
She never leaves my sight;
Embraces me every night,
Until the morning light.
She nurtures me to be strong,
Corrects me when I am wrong;
Doesn't sleep when I am sick,
At my side when I'm in heat.
As I grew up and learn to be alone,
She's always there waiting for me to come home;
Never eats dinner until I come back,
She's so patient and loves me alot.
Babad
Tula
Tulang ito'y aking ginawa,
Alay sa bawat pamilya;
Bagong taon, bagong pag-asa,
Dalangin sa Diyos, na ating Ama.
Nais kong magpakalunod sa Iyong presensya,
Nais kong palakasin itong aking kaluluwa;
Ipagsigawan ang aking nadarama,
Ang pangungulila't pagkabalisa.
Balagtasan sa Tulang ‘Baraha ng Puso’ kasama si Gumamela
Balagtasan
BARAHA NG PUSO
Baraha ng pag-ibig ay maaaring awitin,
Magbibigay sigla sa malungkot mong damdamin;
Samahan akong ito ay kantahin,
Bawat linya ay basahin at ito'y sauluhin.
Barahang nabasΓ’ ng luha,
Balasahin mo lang saka itihaya;
O kaya naman'y isa-isang pintahan,
Ilatag sa lamesa at saka pagmasdan.
Pangarap Mong Tangan
Tula
Pangarap mong tangan-tangan isa-puso't huwag kalimutan,
Tulang ito'y maging kalakasan, Diyos nawa'y ikaw'y gabayan.
Listahan
Tula
May kanya kanya tayong listahan maiksi man o may kahabaan,
Listahan ng ating ginagampanan o kaya naman'y sa lugar na pupuntahan;
Tiyak na hindi makakalimutan kung naisulat sa listahan,
Ang mga nais bilhin 'pag pumunta sa tindahan.
Pilipino Ako
Kaugnay sa nangyaring hostage tragedy sa Luneta, kaming mga OFW ay lubhang nabahala at naapektuhan.
Tula na aking paninindigan: Pilipino Ako. Ako’y lubos na nakikiramay sa kamag-anak ng nasawing mga Chinese national. Kami man ay naapektuhan lalung lalo na ang mga kababayan ko sa Hong Kong.
Tula
Magiging matatag akong nakatayo at iwawagayway ang bandila ko,
Dahil alam ko sa sarili ko, ako'y isang marangal na Pilipino;
Anuman ang sabihin ng iba, anuman ang kanilang ihusga,
Hinding hindi ko ikahihiya, ang Pilipinas ang aking bansa.
Hiyas Sa Aking Palad
Tula
Maaaring hindi mo siya kilala at minsan pa'y hindi nakasalamuha,
Ngunit dahil sa karamdaman niya, pangalan niya'y, sa Qatar nakilala;
Isang batang 'sing ganda ng hiyas, ngiti sa kanyang labi ay tunay na likas,
Kahit sabihin pang, siya'y matamlay patuloy siyang nagiging matibay.
Nanghihina ka na ba?
Tula
Mapalad ka aking kababayan,
'Pagkat lakas ng loob ang iyong puhunan;
Sa pagpunta dito sa gitnang silangan.
Marami sa atin, pinangungunahan ng takot,
Umiiwas na sila'y malungkot;
Hindi bale nang walang perang madukot,
Basta't magkakasama sa maliit na kumot.
Huling Tawag ni Itay
Maikling Kwento
'Nak musta ka na?
Okay lang ako papa, ikaw?
Mainit ngayon dito sa middle east, simula na ng summer, nagluto na ako ng madami kasi mamaya ay pupunta na kami sa gitna ng dagat, 'dun sa pinaka ilalim dahil may bagong langis kaming nasurvey, mga ilang araw din kami 'dun.
Mag ingat ka papa ha?
Sa Pusod Mo Aking Ina
Tula
Unang tibok, unang pintig,
Nagmula sa iyong walang bahid;
Hindi inalintana kung gaano kasakit,
Mailabas lang ako malakas man ang iyong impit.
Inalagaan mo bawat saglit,
Hanggang sa marining itong munting tinig;
Sa pagtulog ko ikaw'y nakatitig,
Sa mga pisngi kong pagka-li-liit.
Buhay Probinsya
Tula
Buhay probinsya ay hinahanap-hanap na,
Sa tuwing kakain ng gulay at isda;
Kay sarap gunitain ang pamamalakaya,
Na ang tanging gawain ay ang pangingisda.