Love Bus | Love Story

Love Bus | Love Story by Francis Morilao

Natatandaan pa ba ninyo ang love bus?

Love Bus

Maramil ang iba sa inyo ay nakasakay na dito. Ang love bus ay naging operational sa Pilipinas noong mid 80's - early 90's, ang istasyon nito ay sa may Escolta tapat ng PNB Building at ang byahe nito ay papuntang Ali Mall, kakaiba ang style sa loob dahil ang mga upuan dito ay pares-pares, dalawa - dalawa lang sa magkabila. Intended talaga for lovers, tapos pag dating sa Ali Mall manonood ng sine, meron ding sinehan sa Ali Mall na dalawa-dalawa lang ang upuan.

Marami na ang nabuong pag iibigan sa love bus. Maraming puso ang muling pinatibok dahil sa Love Bus. Sayang at ginawa na itong service ng MMDA.

Ang Love Bus — Kwento ng Pag-ibig ni Brenda ay sinulat ko habang ako ay nasa Qatar bilang OFW, isa akong Graphic Designer Technical Artist ng isang Printing Press. Sa panahong naka schedule ako ng evening shift, 2pm - 10pm (working hours) ang buong umaga ko ay ginamit kong panahon sa pagsusulat, paunti-unti hanggang sa nakatapos ako ng 2 Libro, Love Bus Book 1 at Love Bus Book 2, nawa'y magsilbing ala-ala ko bilang isang OFW sa Qatar.


Reader’s Discretion is Advised

Nais kong ipaliwanag na may mga tauhan o pangyayari na nahahawig sa katotohanan o sinasabi nating coincidence, ay pawang mga kathang isip lamang.

Ang tanging layunin ng Love Bus — Kwento ng Pag-ibig ni Brenda ay pagmulan ng aral sa pag-ibig ng isang tunay na nagmamahal, at ng isang tunay na kaibigan.

Wala akong intensyon na sirain ang aking sarili na kahit na mismong si Franz ay isa ring kathang-isip na tauhan.

Sa mga nakakakilala sa akin, maging sila man ay mahal sa buhay, isang malapit na kaibigan, o simpleng kakilala, nawa'y hindi ito pagmulan ng hindi pagkakaunawaan bagkus maging daan ito para sa mas matibay na relasyon sa hinaharap.

Si Brenda, Franz, Rich, Susan, Abby, Myra, Mona, Sir Al, Tito Manuel, Carol atbp. ay mga tauhan po lamang sa kwento ng Love Bus, kung mayroon mang pagkakahawig sa realidad, ito po ay kinakailangan lamang upang maging makatotohanan ang isang kathang-isip, muli paganahin ang iyong imahenasyon mula sa realidad sa kakaibang kwento ng pag-ibig ni Brenda na nabuo sa Love Bus - Francis Morilao