Ang Langgam sa Makabagong Kabataan

Atin ngang balikan ang ginawa kong tula tungkol sa langgam,
Ngunit sa pagdaan ng panahon mayroon akong natuklasan;

Mahigit siyam na taon na nga ang nakararaan,
Mukhang may kulang ang ikinuwento ni lola sa kanilang kasipagan.

Kung ating ngang pagbubulay bulayan,
Tunay nga ang kanilang kasipagan;

Wala naman talagang dapat pagtalunan,
Ngunit may isa yatang nakalimutan.

Kailan Kita Maaangkin?

Limang buwan ang nakaraan nang tayo'y huling magniig,
Hinding-hindi ko malilimutan ang aking sobrang kilig;

Kaya itong damdamin ay tunay na sa iyo'y naantig,
At itong puso ko sa iyo ay nagsimulang umibig.

Sa aking isipan ay gumawa ng mga tamang paraan,
Mga pinaplanong gawin kung paano, kailan at saan;

Pa'no ka maaangkin na hindi kailangang magtanan,
Diskarte na matino na hindi katulad ng iba dyan.

Kapalaran sa Gitna ng Hamog

Nang ang ulap ay bumaba sa lupa,
Naging hamog na ating inaakala;

Halik na may kasamang luha,
Pagmamahal ng Diyos na may pagpapala.

Habang naglalakad sa mahamog na daan,
Muling nagbabalik alaala ng nakaraan;

Ang diwa tila nasilaw sa kalabuan,
Ng hamog na aking nilalakaran.

Sa Paghilum ng Sugat ni Eba't Adan

Babaeng kinuha sa kanyang tadyang,
Nagbigay ng sugat sa lalaking nilalang;

Walang malay sa kanyang himbing,
Aliwalas na bungad sa kanyang pagkagising.

Mga mata nila'y nagkatitigan,
Lubhang namangha sa kanyang kahubaran;

Sino itong hubad na katotohanan?
Na mapungay ang mata sa kanyang harapan.

Ako si Eba

Tula: Sana Bukas Pa ang Kahapon

Kasabay sa pagguho nitong munting pangarap,
Isang sulyap mula sa alapaap;

Tugon sa tawag ng Maykapal,
Pag-asang tila hindi na magtatagal.

Saan nga ba muling sisikat ang umaga?
Sa kulimlim ng langit na may nagbabadya;

Biyayang mula sa Diyos na winalangbahala,
Saka magtitiwala na mayroong pag-asa?

Tula: Aking Perlas

Mula sa malambot mong pisngi angking gandang natatangi,
Gaya ng perlas na kakaibang lahi ningning na namumukod tangi;

Tunay na ganda na sa loob nagmula, nililok ng panahong tama,
Pag-ibig ko'y nabuhay na bigla nang masilayan ang iyong mukha.

Sa kumpas ng iyong mga ngiti ako'y lubhang nabighani,
Hindi ko maikubli, ang kilig na nananatili.

Sa Iyong Pagpikit

Sa iyong pagpikit,
Bigat ng dibdib;

Panandaliang iwaglit,
Magpahinga kahit saglit.

Alam naming hindi madali,
Ang inyong gawain bawat sandali;

Sabihin mang parang nagmamadali,
Bukal naman sa puso ang pagkandili.

Ang Aking Bayani Bow!

Teka bakit nga ba "Ang Aking Bayani",
Ang pamagat ng tulang hinahabi;

Bakit hindi "Ang Tunay na Bayani",
Eh kasi naman po kasi, ang daming huwad na bayani.

Tao nga naman kapag sinagad mo ang inis,
Tunay na ugali lumalabas talaga pramis;

Kinalimutan na noon'y siya'y tinitingala,
Ngayon'y lume-level sa pagpapakababa.

Huwag Pasakop / Don't Submit

Hindi na maganda ang mga nababasa ko,
Nakakatakot, nakaka alarma;

Hindi ako perpekto,
Ngunit sana ako'y pakinggan mo.

Isipin mo ang mga posts mo,
Sa Facebook ang sinasabi ko;

Tungkol sa PhilHealth at OFW,
Kailangan ba talagang maging ganito?

Huwag Maging Mangmang sa Panahon ng Kahirapan

Marahil ikaw'y nagtataka,
Bakit sila lang ang may ayuda;

Samantalang ikaw naman'y,
Panay-panay ang patutsada.

Oo nga naman

Sa anim na buwan na pangingibang bayan,
Sa bawat almusal, tanghalian at hapunan;

Ang sikat ng araw sa may silangan,
Ang s'ya pang nakaliligtaan.

Ano nga ba ang halaga ng sikat ng araw?
Ano ang hiwaga kapag siya'y tinatanaw?

Sa takipsilim ng bawat nating lumbay,
Pag-asa kinabukasan, kanyang ibinibigay.

Makakalimutan mo rin

Ngiting ang ganda sa pisngi,
Liwanag sa mapulang labi;

Lukso ng dibdib na hindi maitatanggi,
Sa binatang noon pa tinatangi.

Lulan ng sangkaterbang tawa,
Hagalpak sa tuwa at saya;

Ngunit sa isang kisapmata,
Ligaya'y tila ngang isang bula.

Pagpapatawad

Kung ako man'y hanggang ngayon'y hinuhusgahan,
Mga kasalanan ko'y hindi malimutan;

Wala na akong dapat pang ipangatwiran,
Sapagkat ginagalang ko ang inyong nararamdaman.

Ako'y humihingi ng pagpapatawad,
Buong kababaang loob na nakikiusap;

Baka sakaling buntong hininga ay malasap,
Para sa kinabukasang puno ng pangarap.

Sa Muling Pagbangon | May Bukas Pa

Sa Muling Pagbangon

Sa bawat patak ng luhang naipon,
Mga ngiting tinakpan ng lungkot;

Kahapong nagsilbing inspirasyon,
Inspirasyon sa muling pagbangon.

Ala-alang hindi malimot,
Pusong nagmahal ng lubos;

Sa pag-asang umibig na muli,
Lungkot sa labi ay nais na ikubli.

Binalot ng Lumbay

Saan ka pupunta?
Tanong kong may pag-aalala,
Diyan lang sabi mo at gustong mapagisa.

Lumipas ang araw nang walang paramdam,
Tila 'sang taon na ang nagdaan;

Sa kakaisip, sa diwa ay nabanggit,
Ikaw pa kaya, sa akin ay magbabalik?

Pilantik ng Kaba

Umusbong ang diwa ng malayang balana,
nang minsang mapadpad sa lubak ng pag-asa;

Kariktang halimuyak ng sayang nasa,
Agos ng pagsintang nais manalasa.

Kagyat na hatid ng pang-aalipusta,
Kapagdaka'y tinuran ang layong mag-isa;

Manapa'y ilaw sa bawat plorera,
Nagsilbing liwanag sa kabahayang aba.

Binihisan ng Tadhana | Mahabang Tula

Buhay sa simula'y tila hubad na pangarap,
Lahat ng paraan ay sadyang hinahanap;

Upang malabanan ang kinagisnang hirap,
At maiahon ang sinasabi ng iba'y masaklap.

Doon sa kanluran parating nakatanaw,
Nagmamatyag, sa paglubog ng araw;

Mga suliranin na sadyang umaapaw,
Sa kanyang paglubog, nais na ring bumitaw.

Sa Aking Paglakad

Dagling natigilan sa aking paghakbang,
Mula sa hanay ng pila na aking kinaroroonan;

Muling nanumbalik ang saglit na panahon,
Nang ako, dito sa paaralan ay unang tumuntong.

Anim na taon na rin pala ang nakalipas,
Masasayang pangyayaring hindi pinalampas;

Kaysayang gunitain ang mga ala-alang,
Minsan pa'y nakapagpapangiting talaga.

Ulila - Mahirap mag-isa | Tula

Flickr Photo - Ulila

Wala na si tatay na palaging naghihintay,
Wala na rin si nanay na parating sumasaway.

Wala namang kapatid na mapaghihingahan.

Walang ate na masayang kalambingan,
Walang kuya na pwedeng sumbungan.

Nag-iisa mula nang mamulat,
Kung may pagmamahal man ay masasabing salat.

Guhit sa mukha mula pagkabata,
Kailan kaya mapapalitan't mabubura?

Damdaming nasanay sa pagkabalisa,
Bunga ng hirap sa pag-iisa.

Binasag na Katahimikan

Sekretong ipinangalandakan,
Akusa ng isang hunghang;

Tsismis ang mga paratang,
Na wala namang basehan.

Sino nga ba ang makakaalam?
Sa bawat balangkas na tinuran;

Kung nananatili itong kathang isip,
Kahit na may katotohanan.