Sekreto Ni Kiko

Tula

Ano ang nasa likod ng aking mga katha?
Iyong bulaybulayin at iyong makikita,
Kung gaano kahiwaga ang mga talata.

Kapag iyong napagtanto ang aking sekreto,
Madali mong makukuha ang nilalaman nito.

Mona Lisa

Pawang kathang isip na may nakatagong anyo,
Parang Mona Lisa na gawa ni Leonardo (di ser Pieroda da Vinci)
Kasing dami ng kulay na ginamit ni Michaelangelo
Ang hiwaga ng mga Kathang isip ni Kiko.

Sistine Chapel Ceiling

Muli mong basahin isaisa ang aking mga akda,
At kapag iyong nakita ikaw'y mamamangha,
Payak siya sa unang pagbasa,
May lalim pala kung uulitin mo siya.

Payak na salita malawak na diwa,
Sa pagpikit ng iyong mga mata sekreto ko ay makikita;
Malikot na pag-iisip ay iyong makakamit,
Kapag likod ng aking katha ay iyong masilip.

Hindi ko ipagkakait kung iyong ipipilit,
Sekreto ko'y makakamit nang walang kapalit;
Basta mga tula ko'y basahin mo ulit.