Ala‑ala

notesnikiko.com Ala-ala Mga Tula ni Babyluv

Tula

Nung makita'y walang dating,
Damdamin ay 'di naman umigting;
Ngunit mga araw ay dumating,
'di sadyang nakapiling.

Maraming masasayang alaala,
Walang araw na 'di magkasama;
Saksi ang mga kaibigan pa,
Mga taong mahal ko at mahal niya.

Ala‑ala

Maraming masasayang alaala,
Walang araw na 'di magkasama;
Saksi ang mga kaibigan pa,
Mga taong mahal ko at mahal niya.

Mga taong pinag‑umpisahan ng pagkakilala,
Lugar naman kung saan unang nagkita;
Unang hapunan sa bahay kung saan nagsama,
Mga bagay na sa atin'y magpapa alala.

Mga larawan sana'y pakaingatan,
Mga awiting pinilit kong kantahin;
Mga tulang hinango sa buhay natin,
Maging si "sugar" iyong pakamahalin.

Palengkerang bibig iyong alalahanin,
Pagtawang walang sosyal iyong dinggin;
Mga simpleng bagay iyo ring bitbitin,
Masasayang alaala wag sanang limutin.

Mga luto kong iyong natikman,
Na ikinasisiya ng aking kalooban;
Kahit walang lasa'y pinagtityagaan,
"Kalukaretan" ko daw unang nagustuhan.

Hindi naman nawawala ang tampuhan,
Subalit sa tagal ng pinagsamahan;
Dalawang beses lang 'di nagkaunawaan,
Sandaling oras ito'y nasolusyunan.

Pagsasayaw mo sa aking harapan,
Pagkanta na nanginginig pa;
Pagtitig sa mukha kong tabatsoy na,
Pagyakap na tila walang makakaagaw pa.

Mga kwentuhang walang kasawaan,
Mga kalokohang tayo lang nakakaalam;
Mga tawanang hindi mapigilan,
Mga iyakang alam naman ang dahilan.

Hinding‑hindi ko malilimutan,
Ala‑ala ng ating pinagsamahan;
Iyo sanang pakaingatan,
Kung anuman ang sayo'y inilaan.

Kung dumating man ulit ang panahon,
Na tayong dalawa'y may pagkakataon;
Mga ala‑ala sayo'y itatanong,
Sana nasa 'yo pa rin at 'di itinapon.

Aking aalalahanin masasayang nangyari sa atin,
Dito sa puso ko'y itatanim nang malalim;
Nang kahit sinuman ay di kayang hukayin,
Pangako… ikaw lang ang aking mamahalin…

Dito sa mundo, maging sa kabilang bahagi nito,
Alaala mo'y mananatili dito;
Maghihintay ako, kahit habangbuhay pa ito,
Basta pangako mo'y mamahalin pa rin ako.

Hindi ako mawawala diyan sa puso mo,
Kahit sa maliit na bahagi lang nito;
Ako sana diyan ay ingatan mo,
Hihintayin ko ang pagbabalik mo...