Basyang

Tula

Masdan mo, yaring kahubaran, Winasak ang kanyang karangalan;
Sa lisik ng kanyang kariktan, Nakuha pang lumingon, bago lumisan.

Tagaktak ng kanyang luha, Dumadaloy na kulay pula;
Ang kirot ay 'di alintana, Pikit mata sa iyong pagnanasa.

Basura ng isipan'y, Iyong isinakatuparan;
Binihag ang katahimikan, Sa impit ng kamunduhan.

Ang tulang ito ay hango sa bagyong basyang na kaaalis lang sa bansang Pilipinas, naglalarawan ito ng isang babae na pinagsamantalahan ng isang mapusok na nilalang, tulad ng mga bagyong gaya ni basyang na dumaan sa Pilipinas na nag iwan ng marka sa sinapupunan.