Tula
Mapalad ka aking kababayan,
'Pagkat lakas ng loob ang iyong puhunan;
Sa pagpunta dito sa gitnang silangan.
Marami sa atin, pinangungunahan ng takot,
Umiiwas na sila'y malungkot;
Hindi bale nang walang perang madukot,
Basta't magkakasama sa maliit na kumot.
Sino ba ang ayaw guminhawa?
Kahit na magpa-alila sa mga banyaga;
Kung ang kapalit naman ay ginhawa ni ina.
Kahit anong init aking iinumin,
Kahit anong lamig aking lulunukin;
Muli't muli kong sasariwain,
Lakas ng loob ko'y hindi mananakaw sa akin.
Huwag mo sabihin sa akin, pinanghihinaan ka na rin;
Palitan mo ng ngiti ang bawat hikbi,
Palitan mo ng tuwa ang bawat luha.
Unti unti mong mapupuna kay bilis ng araw ikaw pala'y uuwi na.