Tula
Sa aking paglalakad ako ay may nakita,
Batang may hawak ng isang saranggola;
Pilit niyang hinihila kahit ito’y mataas na,
Tali ma’y gahibla kanyang inilalarga.
Leeg ma’y mangawit, kamay nagpupumilit,
Tagaktak man ang pawis, init ay di batid;
Ang kanyang mga mata’y may luha sa gilid,
Huwag lang mapatid, kamay sa pagkakakapit.
ctto © www.desertcart.ph
Maaring mahal niya ang kanyang saranggola,
Sobrang mahalaga kaya ayaw bitawan pa;
Kapag natangay ng hangin pupulutin ng iba,
Aariin, mamahalin at hindi na ibabalik pa.
Sa pagtatanong sa batang nagkakanlong,
Mahabang istorya sa akin ang itinugon;
Saranggola pala’y dating pag-aari ng iba,
Tinangay ng hangin kaya ito’y naging kanya.
Dating nagmamay-ari ito’y hinayaan na,
Napagod sa paghahanap at huminto muna;
Pagkat sa kanya di masyadong mahalaga,
Mawala man ang munting saranggola.
Ang batang sa ngayon na may hawak dito,
Mula ng ariin sobrang pinahalagahan ito;
Kaya pinag-iingatan bawat pagpapalipad nito,
Kaya hindi na hahayaang mawala pa ito.
Ang munting saranggola sa bagong may ari’y masaya,
Sapagkat ramdam nya kung gano sya kahalaga;
Inaalagaan, pinapahalagahan at minamahal sya,
Kaya hiling nya...
sana...
habangbuhay silang magkasama.