Yakap

Tula

Higpit ng yakap mo akin pang damang dama,
Halimuyak na iyong taglay dala ko hanggang kama.

Sa tuwing yayakapin kita,
May kaginhawaan akong nadarama.

Ano kaya ang nakatagong hiwaga,
Nais kong malaman aking sinisinta.

Sa mga sandali ng ating pagyakap,
Dagling pipikit, nanamnamin ang sarap.

Kahit na siguro abutin ng magdamag,
Makapiling ka lang, kahit umuwi na ang lahat.

Kailan kaya muling magtatagpo?
Itong ating nananabik na puso.

Sa higaan kahit anong gawing liso, sa diwa'y nakaukit ang mga yakap mo.