Tula
Tagaktak ang dulot ng mainit na panahon,
Siya rin ang pawis sa lamig 'pag inahon;
Kahit anong punas ito'y tuloy tuloy,
Hindi mapigilang patuloy ang daloy.
Iisa ang resulta ng magkaibang klima,
Ngiti sa labi'y iyong makikita;
Kapag sila'y ating pinagsama.
Computer ko ay aking iniwanan,
Sa lansangan sila ay pinuntahan;
Sa maiksing panahon ako'y pinagpawisan,
Ano pa kaya sila, na maghapon sa arawan.
Ramdam ko ang hapdi nitong aking pisngi,
Dulot ng init na hindi nagkukubli;
Iba't ibang lahi iisa ang ngiti,
Inuming inabot ko wala silang pagtanggi.
Kanilang simangot pinalitan ko ng supot,
Pamatid-uhaw ang laman para sa katawan nilang pagal.
Ito ay patuloy naming gagawin,
Hindi para sa amin kundi sa kapwa natin;
Pusong mapagmahal sa kapwa ilaan,
Walang hanggang kaligayahan ang ating mararamdaman.
This poem is a reflection of yesterdays cool campaign, it describes that too much cold results to moisture and too much heat makes us sweat, combining together will give a lasting smile to those workers in the field under the sun… I am a proud member of ILQ Volunteer Group in coordination with Vodafone—Qatar, Qatar Living, Power Horse, Sigma Paints and Qatar Red Crecent.