Sa Langit

Minsan ako’y napapaisip, bakit sakit ang sinasapit;
Subalit ako’y nagpipilit, upang ika’y mapalapit.

Sa una pa lang alam ko na, kung saan tutungo pa;
Kung paano haharapin ka, kapag ikaw'y ibinalik na.

Gabi gabi’y lumuluha, araw araw napapatulala;
Mahirap kasi manghula, kung kelan ka mawawala.

Nakagawa ng mga tula, dahil sa sakit na likha;
Punong puno ng luha, ang abang may akda.

Sakit pero dulot ay saya, luha ngunit hatid ay ligaya;
'Di man makapiling ka, habambuhay mananatili ka.

Mahal kita, mahal ka niya, mahal mo ako subalit kanya ka;
Paano ba ang gagawin ko, na mapasa akin ang puso mo.

Na maging akin ang buhay mo, at makasama sa piling ko;
Upang magkasama tayo, na siyang pinapangarap ko.

Dito sa lupa ikaw’y kanya, wala akong pagpipilian pa
Kaya ngayo’y umaasa, baka “Sa Langit” maging akin ka…